One Direction in danger in 'The Big 10'
July 01 2014
BY AEDRIANNE ACAR
Huling Linggo man ng Hunyo, hindi pa rin paaawat ang undisputed Champion at Una sa Puso nyo lagi na The Big 10.
Iniuwi ng super boy band na One Direction ang titulo na top song choice ng avid listeners ng DWLS 97.1 with their single ‘You and I’.
Pero teka! Huwag munang kampante ang Directioners dahil ang Grammy King na si John Legend ay mukhang gustong maging Numero Uno uli. Gusto rin ng Kpop Sensation na si Psy na sumama sa rambol dahil ang kanta niyang Hangover ay hinding-hindi magpapahuli.
Samahan niyo kami as we review our list from Number One to Ten sa pilit na ginagaya na The Big 10.
GRAPHICS BY KRISTINE MANUEL, GMANetwork.com