‘Kamkam’ star Jackie Rice visits 'Sikat Sa Barangay' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Blooming na blooming ang Kapuso actress na si Jackie Rice nang maging guest ito sa 'Sikat Sa Barangay' ni Mama Belle para i-promote ang latest film niya na ‘Kamkam’.

‘Kamkam’ star Jackie Rice visits 'Sikat Sa Barangay'

By AEDRIANNE ACAR

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Blooming na blooming ang Kapuso actress na si Jackie Rice nang mag-guest ito sa Sikat Sa Barangay ni Mama Belle para i-promote ang latest film niya na ‘Kamkam’.

Makakasama niya sa movie ang mga beteranong artista ng kasalukuyang henerasyon tulad nila Ms. Jean Garcia, Ms. Sunshine Dizon, Emilio Garcia, Elizabeth Oropesa at sexy actor Allen Dizon.

Jackie will play the role of the third wife ng isang Kingpin dito (played by Allen Dizon).

Ayon sa Kapuso actress super proud daw siya ng mapanood niya for the first time ang buong movie nang magpremiere night sila kagabi (July 6) at mas lalo daw siyang nae-excite na maipapalabas na ito this Wednesday, dahil pinaghirapan daw talaga ng buong cast ang pelikula.

“Kagabi po nag premiere night po kami, gusto ko po magpasalamat sa lahat ng nanood at nagpunta and ayun first time ko mapanood nang buo 'yung film. Napakaganda, 'yung huling-huli maiintindihan mo 'yung laman, hindi ko maexplain kung gaano kaganda lalo na 'yung message ng film” saad ng Starstruck alumna.

Siguradong maraming aral daw ang mapupulot ng mga taong manonood ng ‘Kamkam’, lalong-lalo na dahil dekalidad ang proyektong ito na dinirehe ng multi-awarded director na si Joel Lamangan.

Sinasalamin daw ng ‘Kamkam’ ang tunay na estado ng ating lipunan sa ngayon at siguradong pupukaw ito sa damdamin ng mga tao.

“Hindi lang siya basta-basta ginawa na para masabing nagproduce lang, 'yung ganun. Eto para sa mga Pilipino alam mo 'yun, para sa atin talaga. Kung ano ang nangyayari ngayon, yung kahirapan, yung pagiging sakim ng mga ibang tao”.

Sa panayam naman sa StarTalk last Sunday, inamin ng dalaga na sobrang daring daw 'yung ilang eksena sa 'Kamkam' na ultimo tatay daw niya ay nagalit at matagal din daw silang 'di nagpansinan ng kanyang boyfriend.

“Nagalit sa akin ang tatay ko and 'yung boyfriend ko, hindi naman sa muntikan na maghiwalay pero ang tagal namin hindi nag-uusap. Umalis siya sa taping namin noon. Love scene, may ka love scene [ako], dalawang lalaki kasi ang ka-love scene ko” kuwento pa ni Jackie.

Naintriga ba kayo sa mga pahayag ni Jackie? Huwag niyong palampasin mga Kapuso na panoorin ang ‘Kamkam’, ngayong July 9 na! Graded "A" by the Cinema Evaluation Board at Rated R-16 without cuts ang pelikula.

At kung gusto niyo mga Kabarangay na mapakinggan ang paborito ninyong mga artista, ugaliin na sumubaybay sa Sikat Sa Barangay every Mondays to Fridays 11am-12nn sa DWLS 97.1 Tugstugan na!