Bulacan and Rizal, watch out for the DWLS invasion! | GMANetwork.com - Radio - Articles

Ilan sa guests na bitbit ng inyong Kabarangay hosts ay ang Sex Bomb Dancers, MP5ive, UPGRADE at si Geo Ong. 

Bulacan and Rizal, watch out for the DWLS invasion!

By AEDRIANNE ACAR



Mga Kabarangay natin sa Rizal at Bulacan, abangan ang paborito niyong DWLS 97.1 radio hosts dahil isang bonggang mall show ang handog nila sa loyal fans ng nangungunang Tugstugan station. 

Para sa mga taga-Bulacan, pupunta sa July 19 sina Mama Emma, Papa Buboy, Papa Bodjie, Papa Jepoy, Papa Dudut, at Ate Liza sa Balagtas Town Center sa Bulacan.

At sa July 26 naman, makiki-party sina Mama Belle, Papa Obet, Papa Kiko, Papa Baldo, Papa Carlo, at Papa Dan sa Montalban Town Center sa Montalban, Rizal.

Ilan sa guests na bitbit ng inyong Kabarangay hosts ay ang Sex Bomb Dancers, MP5ive, UPGRADE at si Geo Ong.

Ayon sa The Big 10 host na si Papa Obet, pinili nila ang Rizal at Bulacan para pagdausan ng mall show dahil itinuturing nila ang mga ito na DWLS country. Dagdag pa niya, paraan nila ito para mapalapit sa supporters nila at para magpasalamat for all their support.

“Siguro ine-expect namin (na) maraming pupunta kasi talagang itong mga pupuntahan namin itong pinili naming ito, [is] LS country. Kumbaga, ‘yun ang tawag namin sa mga patronage namin,” saad ni Papa Obet.

“Pinuntahan po namin ‘yung malalayo na hindi sila makapunta (at) makapanood ng shows namin dito sa Manila. Kami naman ang pupunta sa inyo, mga taga-Bulacan, mga taga-Rizal. Dadayuhin namin kayo para magpasaya naman sa inyo, magpakilig naman sa inyo.”

Exciting ito para kay Papa Obet dahil ito ang first time na magmo-mall show ang DWLS DJs at sa halip na sila ang mag-host ng event, sila ang centerpiece ng buong programa.

“Ito ‘yung first time na magmo-mall show mismo ‘yung Barangay LS DJs. Kasi mostly kung bibilangin natin, hindi na natin mabibilang ‘yung mga nasabi natin na mall shows na pinuntahan namin. Kasi usually kami ang mga nagho-hold ng mall shows ng GMA programs at GMA events from the Artist Center, GMA Records at GMA movies.”

Dagdag pa niya, “Siguro eto ’yung challenging na kami naman ang iho-host ng Kapuso artists natin, di ba? Mayroon kaming mga Kapuso artist na sila ‘yung magpo-front na para ipakilala naman kami, which is challenging na parang hindi kami sanay na kami ‘yung pinapakilala.”