Dapat bang magpa-good vibes din sa ermats at erpats ng iyong nililigawan? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Hindi ba pwedeng respeto lang?

Dapat bang magpa-good vibes din sa ermats at erpats ng iyong nililigawan?

By AEDRIANNE ACAR


 
Sa mga Ka-Barangay nating magsing-irog, isa sa pinaka-challenging na isyu ang approval ng parents ng nililigawan at nanliligaw.

Dapat bang pati sila ay ligawan din?

Hiningi namin ang opinion nina DWLS 97.1 jocks Mama Cy ng Potpot and Friends at Papa Baldo ng Three Play.

Para kay Mama Cy, mas mahalaga ang pagpapakita ng respeto sa mga magulang ng minamahal kaysa mag-effort na kunin ang kanilang approval.

Aniya, “Ideally, kailangang ma-please mo rin naman talaga ‘yung parents, kasi although sinasabi nila na ang pakikisamahan mo naman ay ‘yung babae or ‘yung lalaki, malaking part pa rin ‘yung pagshoshow ng respect. ‘Yung panliligaw kasi you try to please them, pero iba pa rin ‘yung respeto.”

Dapat daw tandaan na may mga magulang na hindi matanggap ang pinili ng kanilang mga anak. Kaya dapat handa kang patunayan sa parents ng boyfriend o girlfriend mo na karapat-dapat ka sa pagmamahal niya.

“Gusto kong magkaroon ng clear line between panliligaw sa parents and respect for the parents. Kasi hindi naman talaga lahat ng parents mapi-please mo e. Meron diyan na iba ang nafo-foresee nila makakatuluyan ng anak nila di ba at hindi ikaw yun.“

“Pero ang importante, you prove to them na kahit hindi po ako ang pinapangarap niyo para sa anak niyo I can prove to you na I deserve her or him and nirerespeto ko pa rin kayo,” saad ni Mama Cy.

Payo naman ni Papa Baldo, makabubuti na makuha mo ang loob ng nila para maiwasan ang conflict.

“Yes to me. Siyempre kung maganda ang intensyon mo sa tao hindi ka mahihiya at hindi magdadalawang-isip na pati pamilya niya, kukunin mo ‘yung tiwala para magkaroon kayo ng magandang koneksyon, na parang once bumisita ka sa bahay nila, hindi ka sisimangutan o walang kontra,” paliwanag niya.

Nakakatakot nga raw, ayon sa machong jock, ang mga panahon ngayon. Dahil hindi na nakikilala ng mga magulang ang mga karelasyon ng kanilang mga anak.

“Hindi na ito uso sa mga kabataan ngayon kaya nakakalungkot nga, which is ‘yung mga kabataan nagliligawan sa kalye. Kaya maraming napapahamak ngayon na kabataan kasi nga hindi alam ng mga magulang kung ano ang mga nangyayari sa sitwasyon or sa teenage years ng mga bata,” aniya.