Ang kahulugan ng ‘18’ kay birthday girl Mama Emma | GMANetwork.com - Radio - Articles

Happy birthday, sa Kapitana ng Barangay LS!

Ang kahulugan ng ‘18’ kay birthday girl Mama Emma

By AEDRIANNE ACAR

 PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Birthday ngayong July 18 ng bubbly DWLS host na si Mama Emma, ang may-ari ng boses na gumigising sa atin mula hatinggabi hanggang alas tres ng madaling araw. She is definitely a hot and proud mother.

Tinanong namin ang Talkback host kung ano ang top three things that she is most thankful for.

Her birthday
“Maraming hindi nakakaalam na ‘yung birthday ko (ay) July 18. Actually ‘yan din ‘yung kamatayan ng dad ko, on my 18th birthday. So memorable sa akin ‘yan. And then ‘yung first thing na ipinagpapasalamat ko is after nu’ng 18th birthday ko kasi, hindi na ako nagse-celebrate ng birthday at all - not unless i-surprise ako sa office or with friends ganun. [Not until] dumating ‘yung pangalawa kong anak, ka-birthday ko din ‘yun.”

Career
“Kasi despite na nagkakaedad na, nandito pa rin. Napapakinggan pa rin, visible pa rin somehow.”

Family
“Kasi (kahit) dumating ‘yung bagyo sa buhay, nandiyan pa rin -- intact.”