Itaas ang kamay at iwagayway for Project Pinas! | GMANetwork.com - Radio - Articles

Proudly homegrown hip hop. 

Itaas ang kamay at iwagayway for Project Pinas!

By AEDRIANNE ACAR 
 
 

 
Nakigulo ang hip hop group na Project Pinas kay Mama Belle nang mag-guest ang mga miyembro nito sa Sikat sa Barangay last July 15.
 
Ang grupo nina Eagleman, Bouncey at pretty vocalist Aya ay may precise technique, kakaibang style at nakaeengganyong beat na siguradong kahuhumalingan ng mga Kabarangay.
 
Sa pagtatanong ni Sikat sa Barangay host Mama Belle, sinabi ng grupo na pinili nila ang pangalang Project Pinas dahil “projects” ang tawag sa US sa mga pabahay ng gobyerno. At dahil taga-Pilipinas sila, dinugtungan nila ang “project” ng “‘Pinas.”



 
Ipinagmalaki ni Bouncey na ang timpla ng musika nila ay iba sa naririnig sa karaniwang OPM artists.
 
“Pare-pareho na kasi tayo ng naririnig everyday sa music. ‘Yung genre namin is hip hop pero more on upbeat vibes so EDM (Electronic Dance Music) siya. ‘Yun ‘yung difference.”
 
Idinagdag niya na ang music nila ay inspiring sa mga tao at “nagbibigay ng pag-asa.”
 
Sa parte ni Eagleman, malaking alas din sa kanila si Aya dahil sa galing nito bilang mang-aawit.
 
“Hindi na kami naghahanap ng singer kasi magaling ‘yung singer namin [Aya].  ‘Yung ibang mga artist sa hip hop pag nakikipag-colloborate sila, naghahanap pa ng singer. Kami, nakita na namin ‘yung isa sa magagaling na singer.”