Ang unli-battery ni Papa Dudut | GMANetwork.com - Radio - Articles

Para makapagbigay ng pag-asa sa kanyang listeners, may sariling source of inner strength si Papa Dudut. 

Ang unli-battery ni Papa Dudut

By AEDRIANNE ACAR

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Pag-asa ang ibinibigay ng Barangay Love Stories sa listeners ng show.

Naniniwala ang host ng programa na si Papa Dudut na mayroong taong problemado na nabubuhayan ng loob tuwing nakikinig sa kanya.

Saan naman humuhugot ng pag-asa si Papa Dudut?

Ayon sa Barangay Love Stories host, tuwing nawawalan siya ng gana o motibasyon bilang DJ, inaalala niya ang nakilala niyang masahistang bulag sa isang event na pinuntahan niya.

“Hindi kami nanonood ng TV. Wala kaming ibang source of entertainment. Pero ikaw lang, Papa Dudut, ‘yung pinapakinggan naming mga bulag,” sabi raw sa kanya ng masahista.

“Battery” ang tawag ni Papa Dudut sa kanyang bulag na listener, at sa iba pang nakikinig na nagte-text o tumatawag sa kanya para sabihing nakakakuha sila ng pag-asa sa kanyang show.

Sa kanila siya kumukuha ang dagdag na lakas para maipagpatuloy ang kanyang show.

“Siyempre hindi birong gawin ang Barangay Love Stories,” pag-amin niya.

“[‘Til] now, nararamdaman ko ‘yan, may ganyang impact sa akin…At the end [of the] story gusto ko na may matutuhan ka,” dagdag niya.