Miss Universe birthday wishes ni Mama Belle | GMANetwork.com - Radio - Articles

Birthday sa Sabado, July 26, ng ating sweet Barangay LS jock na si Mama Belle. Ano ang wishes niya?

Miss Universe birthday wishes ni Mama Belle

By AEDRIANNE ACAR

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Birthday ngayong July 26 ng dedicated Sikat sa Barangay host at veteran DWLS jock na si Mama Belle.

Hindi nakapagtataka na super blessed ang sweet radio host at mahal na mahal ng kanyang pamilya at mga katrabaho.

Sa panayam ng GMANetwork.com, tinanong namin siya kung ano ang mahihiling niya sa darating niyang kaarawan.

Habang poised na tulad ng isang Miss Universe contender, ito ang isinagot ni Mama Belle: “Ang dami, kasi actually birthday wishes. Pero kung isa lang talaga, pang-beauty queen ang wish ko: World peace. Kasi kung may world peace, wala nang problema, maso-solve na lahat.”

Dagdag pa ni Mama Belle, mas gusto niyang ilaan ang wishes niya sa mga pinapahalagahan niya tulad ng maging numero uno ang Barangay LS.

“Magandang career (at) maging number one ang Barangay LS - as always ‘yan ang wish ko pag birthday ko. Siyempre maging healthy, especially sa family. ‘Yung mga kapatid ko kasi lahat may mga asawa na (at) may kanya-kanyang anak na. Ako na lang (ang) natira. Para sa akin parang hindi na ako magwi-wish. Para sa iba na lang siguro,” saad ni Mama Belle.

Inusisa rin namin ang veteran radio host sa tatlong bagay na lubos niyang ipinagpapasalamat.

Family, career at friends, aniya.

Napaka-supportive daw ng mga kapatid at kamag-anak niya. “Ever since,” dagdag niya.

Very thankful din daw siya dahil nagtatrabaho siya sa GMA Network na sa tingin niya noon ay “napaka-impossible.”

“Dumadaan lang ako rito  galing sa probinsya papuntang airport. ‘Yun lang ang pinupuntahan namin before. Tapos ini-imagine ko pag diyan ako nag-work, and finally nandito na ako.”

She is also very happy for having true friends.

“Hindi naman ako fine-fail ni God na talagang mayroon akong mga kaibigan everywhere I go. May nagiging friends talaga ako, mababait sila,” dagdag niya.