Ate Liza's wanderlust | GMANetwork.com - Radio - Articles

Jetsetter ang Radyo Nobela host na si Ate Liza. At narito ang kanyang top three favorite places abroad. 

Ate Liza's wanderlust

By AEDRIANNE ACAR
 
Jetsetter na maituturing ang Radyo Nobela host na si Ate Liza dahil sa dami ng bansa na kanyang napuntahan.

Para sa bubbly DJ, magandang opportunity raw ang pagbiyahe para ma-expose sa different cultures at magkaroon ng mga memorable at unique experience na dadalhin mo habang-buhay.

Tinanong namin si Ate Liza kung ano ang Top 3 places na nagmarka sa kanya at hanggang ngayon ay hinahanap-hanap niya.



Paris, France

Ang city of love ang first trip ni Ate Liza sa Europe. Kasama niyang namasyal dito ang kanyang kapatid.

“Hindi mo made-describe ang pakiramdam,” paglalarawan niya sa Eiffel Tower.  Nag-enjoy raw siya nang makita niya ang sikat na landmark ng France na dati lang niyang nakikita sa mga libro at sa TV.

“Siyempre ang daming mga nasa paligid din noon, tapos makikita mo ang dami ring tao na nagpupunta to see it,” aniya.
 


Morocco

Morocco ang unang bansa sa Africa na napuntahan ni Ate Liza. Kasama niya rito ang kanyang ate at suwerte naman na hindi na niya kailangan ng visa.

“Totally different” daw ang experience niya roon “architecture-wise, culture-wise tapos pati food.” First time niya ring magpunta sa isang country na predominantly Muslim.

“Hindi common ang Asians doon, so grabe talaga! Pinagtitinginan nila kami na para kaming mga alien. Tapos, may nagpa-picture pa sa amin doon sa isang pinuntahan namin,” tuwang-tuwa niyang sinabi.

“Sabi ko, maglagay na lang tayo ng lata, tapos hulugan na lang ng tig-iilang pera para may pang-lunch tayo mamaya,” dagdag niya.
 


Barcelona, Spain

First solo trip ni Ate Liza ang Spain kaya’t nasubok ang kanyang survival skills.

“Naligaw pa ako pagdating ko doon. Tapos, sobrang iniisip ko na, ‘Makaka-survive kaya ako na mag-isa lang?’ Pero it turns out kaya naman pala,” aniya.

Napawi ang kanyang mga agam-agam dahil very tourist-friendly raw ang Barcelona.

At ang pinakagusto niya sa lahat: May beach sila sa city.

“Parang na-imagine ko ‘yung sarili ko. ‘Paano kaya kung dito ako nakatira? Pag nabagot ako, pupunta lang ako sa tabing dagat, muni-muni lang ako. Pero siyempre hindi ako doon nakatira.”

Para sa mas marami pang travel photos ni Ate Liza, tingnan ang kanyang gallery.