Mama Emma's secret life as an eventologist | GMANetwork.com - Radio - Articles

Puyatan ang schedule ni Mama Emma bilang DJ kaya't nagtatanggal siya ng stress sa pamamagitan ng kanyang small business.

Mama Emma's secret life as an eventologist

By AEDRIANNE ACAR

 
Itinuturing ng karamihan na glamoroso ang pagiging DJ.

Pero sa katunayan, may kaakibat itong malaking sakripisyo.

Kaya naman sinisiguro ni Mama Emma (formerly Emma Maharot) ng Talkback na may pinagkakaabalahan siya bukod sa pagiging radio host.

Dahil puyatan ang kanyang time slot mula Monday to Friday (midnight to 3 a.m.), naging past time na ni DJ Emma ang pag-o-organize ng parties na nagsisilbi ring pantanggal niya ng stress sa trabaho.

“Hindi ko siya masyadong kina-career kasi parang dito ako nagdi-destress. So nagba-balloon business ako. Any occasion balloons - patay, binyag, padasal, cater, (at) candy buffet.  Kasi mahilig akong mag-ayos ng party,” aniya.

Pangarap daw ni Mama Emma na magkaroon ng snack bar na magiging future business niya pag siya ay nag-retire.

“Ang gusto ko talaga ‘yung magkaroon ng parang snack house (o) snack bar. Maliit lang siya pero ‘yung gusto ko may theme ako. May café akong pinapangarap na someday,” kuwento niya sa GMANetwork.com.

Lubos din ang pasasalamat ni Mama Emma sa support ng kanyang loving husband dahil naiintindihan nito ang kanyang trabaho bilang DJ.

“Kami ‘yung naghahalinhinan sa pag-alaga ng mga bagets. So pag uuwi (na) ako, siya naman ‘yung nag-aasikaso sa anak ko pag morning and then hinahayaan niya akong matulog, mag-recharge until well [rested],” dagdag niya.