The pains and joys of moving on | GMANetwork.com - Radio - Articles

Sa pagtatapos ng isang relasyon, muling magbubukas ang pinto para sa panibago at mas matamis na pag-ibig. Hindi ka nag-iisa dahil kasama mo ang Moving On playlist ng Barangay LS.

The pains and joys of moving on

By AEDRIANNE ACAR


 
Masakit ang mabigo sa pag-ibig.

Pero hindi dapat tumatak sa inyong isipan, mga Kabarangay, na wala ng bukas na naghihintay.

Tandaan na sa pagtatapos ng isang relasyon, muling magbubukas ang pinto para sa panibago at mas matamis na pag-ibig. Kaya huwag kang matakot na tumalikod sa pagsasama na wala nang saysay.

Gayahin nyo si My Destiny star Carla Abellana.

Perfect couple sina Carla at Kapuso actor Geoff Eigenmann, pero nagtapos nitong Abril ang fairytale story ng dalawa.

Hindi mababakas sa Kapuso actress ang masalimuot na pagtatapos ng kanyang relasyon. Sa katunayan, masaya at busy ngayon ang dalaga sa kanyang showbiz commitments.

Heto ang napakagandang prinsipyo ni Carla sa kanyang Instagram:



Aminado si Carla na wala pa siyang plano na magka-boyfriend and for her love can wait.

Marami tayong Kapuso couples na dumanas ng pagkabigo tulad nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica, Tom Rodriguez at K-La Rivera, at Louise delos Reyes at Enzo Pineda pero nananatili silang matatag. 

Sa aming special Spotify playlist on moving on, in-advise ni Sharon Cuneta sa To Love Again na magandang companion ang radio for those who are mending a broken heart. Radio’s fine, ani Mega.

Bukod sa pakikinig ng soothing music, kailangan mo rin ng empathizing voice tulad ng kina Papa Baldo at Ate Liza, na nagbibigay ng tips kung paano mag-move on sa Radyo Nobela.

Here are our top nine Moving On songs on Spotify, courtesy of your DWLS DJs.

 


Follow barangayls97.1 on Spotify for more Mood Music. Learn to let go, mga Kabarangay.