Wedding songs for Dingdong and Marian | GMANetwork.com - Radio - Articles

Mula sa puso ng Barangay LS, narito ang mga kanta para sa nalalapit na kasal ng Royal Couple ng Philippine showbiz.

Wedding songs for Dingdong and Marian

By AEDRIANNE ACAR


 
Kinilig ang buong bansa sa heartfelt proposal na nasaksihan nila sa live episode ng Marian last August 9, dahil finally ang Royal Couple of Philippine showbiz na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes ay sa simbahan na ang tuloy.

Sinubaybayan sila ng mga Kapuso natin sa mga hit teleserye na Marimar at Dyesebel. At ang dating love team sa TV, ngayon ilang buwan na lang ay magiging Mr. and Mrs. Dantes na.

Marami tuloy ang nag-aabang ng mga detalye ng kasalan ni DongYan na siguradong magiging wedding of the year - mula sa venue ng wedding, gown na isusuot ng Primetime Queen at honeymoon destination nilang dalawa.

Kaya naman ang Sikat sa Barangay host na si Mama Belle, naghanda ng list of songs na swak na swak para maging wedding anthem ng soon-to-be husband and wife.

Tamang-tamang ang unang kanta sa playlist ng Barangay LS – ang On This Day ni David Pomeranz.

Hahaplos sa puso ninuman ang vows sa lyrics na ito:
 
On this day, I promise forever
On this day, I surrender my heart
Here I stand, take my hand
And I will honor every word I say
On this day

Tiyak na babaha naman ang luha sa simbahan as Marian takes her bridal walk sa saliw ng hagod ng boses ni Grammy winner Shania Twain with From This Moment On.



Napatunayan ni Dingdong na isa siya sa mga maituturing na top calibre actors of the current generation. Pero para kay Ms. Gracia he is the “Man” that made her believe that there is a happy ending and it can be forever.

Nakakakilig ang Instagram post ng Kapuso actor sa kanyang fiancée sa 30th birthday nito last Tuesday.



Imagine, if Dingdong will serenade Marian in the wedding reception with John Legend’s 2014 hit single All of Me. For sure, Marian will be gushing over the Kapuso Primetime King’s rendition.

Sa panayam ni Mama Belle sa GMANetwork.com, sinabi niya na nagpapakita ang mga kanta ni John Legend ng napakalaking pagmamahal at pagpapahalaga sa mga babae.

Saad ng radio host, “Parang ang laki-laki ng pagpapahalaga ni John Legend sa girls. Parang pag kasama mo siya alagang-alaga ka, talagang napakaimportante mo bilang babae.”

Napakaganda naman ng mensahe ng N’Sync sa This I Promise You, a staple for weddings. This song should make DongYan’s wedding vows and kiss worth remembering.

Couples out there who are planning their dream wedding, see the DWLS 97.1 list of our most recommended wedding songs on Spotify (barangayls97.1). Malay niyo, isa sa mga ito ang wedding anthem niyo.



Enjoy each of the songs inspired by true love.

Spread the love, mga Kabarangay, just like Marian and Dingdong