Terror in the sky: Mama Belle’s first plane ride | GMANetwork.com - Radio - Articles

Mama Belle's words: “‘Yung nasa taas ka, tapos biglang baba ‘yung plane. ‘Yung biglaan talaga na naiwan ‘yung katawan mo sa taas. Tapos parang [‘yung] kaluluwa mo umalis. Ganoon ‘yung feeling.” 

Terror in the sky: Mama Belle’s first plane ride

By AEDRIANNE ACAR

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Memorable ang first plane ride ni Sikat sa Barangay host Mama Belle nang lumipad ang DJs ng DWLS 97.1 for their vacation sa island paradise ng Boracay.

Kuwento ni Mama Belle sa GMANetwork.com, palipad pa lang daw ang eroplano ay sobrang kinakabahan na raw siya at hindi mapakali.

Kumain daw siya ng chewing gum para pampaalis ng stress. ‘Yun din daw kasi ang payo ng mga kasamahan niya na panlaban sa air pressure at para ma-relax siya.

”Aandar pa lang siya, medyo ‘yung pagnguya ko is naka-electric fan number one. Habang pataas nang pataas, nag-start na sa number 2 ‘yung nguya ko. Kasi ino-observe nila ako e. Tapos, pataas na talaga. Nakakapit na ako doon sa armrest ng inuupuan ko. Tapos number 3 na ang nguya ko; baka number 4 pa nga.”

Sa gitna raw ng biyahe, hindi nila inaasahan na mabilis na bumagsak ang altitude ng eroplano, na nakakatakot daw na experience para sa DWLS hosts.

“Mismong mga kasama kong mga DJ, sabi nila first time din nilang maka-encounter ng ganoon – ‘yung nasa taas ka, tapos biglang baba ‘yung plane. ‘Yung biglaan talaga na naiwan ‘yung katawan mo sa taas. Tapos parang [‘yung] kaluluwa mo umalis. Ganoon ‘yung feeling.”

Dagdag pa ni Mama Belle, kahit nga raw ang DJs na frequent traveler ay first time na naranasan ang ganoong pangyayari. Hindi na lang daw pinahalata ng mga ito sa kanya na sila rin ay kinabahan.

”Lahat sila natakot din doon, pero hindi nila ipinakita sa akin. So after na lang ng plane ride saka nila sinabi.”

“Iniisip ko normal siya, pero nakakatakot pala, although natakot ako noon,” dagdag niya.

Boracay Fun Fest

Bagama’t makulimlim daw ang panahon nang dumating sila sa Boracay, nag-enjoy daw ang buong Barangay LS team sa dami ng ginawa nilang activities.

Opportunity rin daw ang naging trip nila as a sort of team building at chance para sa radio hosts na makapag-usap.

“Tahimik siya (Boracay), tapos sa isang place kayo sa beach mag-uusap-usap kayo, mag-o-open up bawat isa .”

Naglaro raw sila ng dodge ball, na kahit masakit daw sa katawan ay perfect para sa bonding time nila. Bukod pa riyan, nag-island hopping din daw sila.

“Masayang magkaroon ng games doon o mag-usap-usap,” aniya.