DWLS ladies share their dream weddings | GMANetwork.com - Radio - Articles

Simple? Intimate? Garden? Or church? Ano ang dream wedding nina Mama Cy at Ate Liza?

DWLS ladies share their dream weddings

By AEDRIANNE ACAR


 
Matunog ang usapang kasalan ngayon dahil sa engagement nina Dingdong at Marian.

Maraming kinilig sa intimate at nakakakilig na proposal ni Dingdong na tila nagpatigil sa mundo ng marami nating mga Kapuso.

Kaya’t tinanong namin ang gorgeous ladies ng DWLS 97.1 na sina Mama Cy at Ate Liza kung ano ang dream wedding na gusto nila.

Ayon sa Potpot and Friends host na si Mama Cy, naiisip daw niya na isang beach or garden setting ang theme ng kanyang wedding day.

Gusto rin daw niya na lahat ng malalapit sa buhay niya ay present sa “most special” moment sa kanyang buhay.

“Gusto ko simple wedding lang by the beach or sa garden, hanging garden. Chos! By the beach or sa garden, tapos simple lang,” aniya.

“Lahat lang talaga ng close sa puso ko (nandoon) para talagang feel na feel mo ‘yung moment. Alam mo na, sa mga babae palagi naman nilang sinasabi na ‘yun ang pinakaimportanteng araw para sa amin.’Yun talaga, mushy. Hahaha!”

Para naman sa Status of the Nation host na si Ate Liza, ni hindi raw minsan sumagi sa kanyang isipan, kahit noong bata pa siya, kung anong klaseng wedding ang pangarap niya.

“[Noong] maliit ako, parang okay kung mangyayari na may darating, magpapakasal. Fine. Kung wala naman, okay lang din. Pero para sa akin, pag nakikita ko ‘yung weddings ng mga celebrity siyempre ‘yun ‘yung peg mo, di ba, pag nakikita mo. Wow!”

Dagdag niya, “Ang ganda sa beach! Pero kailangan kasi pag Catholic, sa church. So maganda ‘yung beach wedding. Pero naiisip ko, parang mahirap, kasi sand! So paano ‘yung dress? Kailangan maigisi lang. Tapos naiisip ko naman, ‘yung garden puwede rin.”

Mas gusto rin daw ni Ate Liza ng isang small and intimate wedding, kaysa magarbong kasalan.

“So I think bottom line, no matter kung saan (at) kung ano man ‘yung wedding na ‘yun, basta kasama ‘yung important people, family and friends. I think I prefer something small, ayoko ng maraming-maraming tao. You just want to have the people who matter in your life in that special moment,” she added.