Ano ang tamang marrying age? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Is it early 20s? Mid-20s? Or early 30s? Ipapaliwanag ng relationship gurus ng Barangay LS.

Ano ang tamang marrying age?

By AEDRIANNE ACAR
 
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

If you are a couple in your 30s, marahil natanong na kayo ng mga magulang o kaibigan niyo about settling down.

At malamang, napakamot na rin kayo ng ulo imbes na sumagot.

Following the engagement of Kapuso royalties Marian Rivera and Dingdong Dantes and showbiz power couple Heart Evangelista and Chiz Escudero, kinuha namin ang opinions ng relationship gurus na sina Papa Obet at Papa Kiko about their takes on the right marrying age.

Ayon kay Talk to Papa host Papa Kiko, mahalagang isaalang-alang, lalo na ng mga lalaki, ang edad sa isyu ng pagpapakasal.

Para kay Papa Kiko, mas magandang magpakasal if you’re in your mid-20s at may stable job na upang ang agwat ng edad mo sa iyong mga anak ay hindi ganoon kalayo for easier communication. 

Paano raw kayo magkakaintindihan ng anak mo tungkol sa computer world kung hindi ka maka-relate sa technology?

Dagdag pa niya, “So (kung at age) 22, 24, 25, may maganda kang trabaho, go ahead.”

Pero dapat, ayon kay The Big 10 jock Papa Obet, makapagtapos muna ng pag-aaral para mas maging secure financially ang future ng mag-asawa.

“Kung mag-aasawa ka ng (edad) 22 at wala ka pa talagang trabaho, talagang mahihirapan ka, di ba? Hindi mo alam ‘yung gagawin mo, tapos hindi ka pa nakatapos ng pag-aaral. Wala kang alam na trabaho. Siguro mga 25, pagkatapos ng college, tapos nakahanap ka ng kahit anong trabaho.”