'Sa Puso ni Dok' checks out 'Talk to Papa' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Ayon kay Bela Padilla, a.k.a. Doc Gab, malaki ang pagkakaiba ng Sa Puso ni Dok sa American medical series na Grey’s Anatomy.

'Sa Puso ni Dok' checks out 'Talk to Papa'

By AEDRIANNE ACAR


 
Dumalaw last August 21 sa Talk to Papa sina Dennis Trillo at Bela Padilla, ang lead stars ng first medical series sa Philippines na Sa Puso ni Dok, hindi upang i-check up ang hunky hosts ng programa kundi para makipagkulitan sa mga ito.

Ayon kay Bela, malaki ang pagkakaiba ng Sa Puso ni Dok sa American medical series na Grey’s Anatomy.

Ani Bela, wholesome ang show nila at walang kagamitan, di tulad ng Grey’s Anatomy na may high-tech equipment ang mga doktor.

“Actually, fan din ako ng Grey’s Anatomy pero ang difference lang kasi sa Grey’s Anatomy, top of the line ‘yung equipment nila (at) overstaffed sila na kailangan na nilang magtanggal minsan. Kami, kaming dalawa lang halos sa ospital, lagi na lang naka-stand by doon sa doctor, tapos wala kaming  gamit,” dagdag niya.

Nang tanungin si Bela kung paano siya nag-prepare bilang Doc Gab sa show, sinabi niya na mayroon naman siyang mga tita na doktor “pero parang puro derma ‘yung specialties nila.”

Sa show nila ni Dennis, mas nakatutok daw sila sa emergency room bilang doctors ng isang public hospital na kulang na kulang sa doktor.

“Dahil kulang nga medyo nalalagay na kami sa lahat - parang specialization nagiging midwife na rin kami, nagiging kami na rin ‘yung cardiothoracic [surgeon]. So parang lahat nagiging napa-generalize kami kasi nga sobrang kulang sa tao ng mga public hospital,” sinabi ni Bela.

Kuwento naman ng Kapuso hunk na si Dennis Trillo, malaki ang pasasalamat nila ni Bela na may mga kasama silang doktor sa shooting para gawing mas realistic ang kanilang mga eksena.

“Importante talaga ‘yun kaya nagpapasalamat kami doon sa mga doctor na naka-stand by lagi doon sa set namin para bantayan ‘yung mga ginagawa namin para mas maging kapani-paniwala kaming doktor,” saad ng aktor.