No Fear Papa Dan and Papa Buboy take on ice bucket challenge | GMANetwork.com - Radio - Articles

Hindi maaaring hindi kumasa sa ice bucket challenge ang mga taga-Barangay LS, lalo na kung para sa isang good cause. 

No Fear Papa Dan and Papa Buboy take on ice bucket challenge

By AEDRIANNE ACAR

Hindi maaaring hindi kumasa sa ice bucket challenge ang mga taga-Barangay LS, lalo na kung para sa isang good cause.

Kamakailan, tinanggap nina Wanted Sweetheart host Papa Dan at Hoy Pinoy host Papa Buboy ang ice bucket chalenge para tumulong sa awareness campaign sa degenerative nerve ailment na amyotrophic lateral sclerosis (ALS) or Lou Gehrig’s disease.

Napapanood sa Facebook page ng Barangay LS 97.1 noong August 22 ang video ng pagharap ni Papa Dan sa naturang challenge.

Yelo kung yelo ang gusto mo, dahil ibinuhos talaga ni Papa Dan ang isang malaking bag ng tube ice sa malaking timba na may tubig saka niya ipinaligo sa sarili.   

Hinamon din niya ang kapwa DJs na sina Papa Jepoy, Papa Bodjie, Papa Buboy, Mama Emma, Papa Dudut, Papa Kiko, Papa Obet, Papa Baldo at Papa Carlo, at ang singer na si Gloc-9.

Sa post naman ni Papa Buboy noong August 25, masaya niyang tinanggap ang hamon na magbuhos din isang balde ng tubig at yelo sa sarili.

Ilan sa mga Kapuso celebrities na tumanggap sa hamon ay ang royal couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Game din na nagbuhos ng nagyeyelong tubig sa kanilang sarili sina Asia’s Pop Idol Christian Bautista, Starstruck Ultimate Male Survivor Mark Herras at Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose.

Pati rin ang mga opisyal ng gobyerno na sina Justice Secretary Leila De Lima at BIR Commissioner Kim Henares ay nakisali din at nag-donate ng sarili nilang pera.