Mama Emma spices things up in 'Talk to Papa' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Energetic Mama Emma has joined the Papas.

Mama Emma spices things up in 'Talk to Papa'

By AEDRIANNE ACAR


 
Magiging mas exciting na ang mga hapon ninyo dahil makakasama na nina Papa Obet at Papa Kiko ang former Talk Back host na si Mama Emma sa kanilang radio program na Talk to Papa.

Kuwento ni Papa Kiko sa panayam ng GMANetwork.com, ang mataas na energy ng pretty radio jock ang lalong magpapasaya at dapat mas pakakatutukan ng avid listeners.

Bukod pa riyan mabibigyan rin ni Mama Emma ng boses sa kanilang show ang mga kababaihan.

Ani ni Papa Kiko, “Ang kailangan namin ‘yung pagiging spontaneous kasi siya ‘yung filler talaga ng mga moment naming dalawa na kailangan may iba kaming maririnig. Plus, siyempre ‘yung feminine side kumbaga. ‘Yung voice ng mga girlalet maririnig din sa Talk to Papa.”

Inamin ng midnight radio jock na medyo hirap pa rin siyang mag-adjust sa bago niyang schedule, dahil dati ay madaling araw ang schedule niya.

“Until now ganoon pa rin ‘yung aking body clock, lahat. Ang dami. Kaya nahihirapan pa rin ako,” saad ni Mama Emma.

Napakaganda raw na addition, sabi ni Papa Obet, sa kanilang tandem nila ni Papa Kiko si Mama Emma, dahil kalog at kuwela ang personality niya.

Aniya, “Si Mama Emma ‘yung kalog, energetic na matagal na naming hinahanap sa isang babaeng DJ, kasi mostly ‘yung mga  kasamahan namin dito eh talagang Maria Clara, malumanay at hindi makasigaw. Eto si Mama Emma, galawgaw! Ang harot-harot.”

Huwag kalimutang subaybayan ang pinabongga at pinalakas na Talk to Papa with your host Papa Kiko, Mama Emma at Papa Obet from noon to-3 p.m. Mondays to Fridays, and replays from midnight to 3 a.m. daily.