'Sa Puso ni Dok' is a movie made for TV - Bela Padilla | GMANetwork.com - Radio - Articles

Paano naiba ang 'Sa Puso ni Dok' sa mga programa ng GMA?

'Sa Puso ni Dok' is a movie made for TV - Bela Padilla



Proud na proud si Kapuso actress Bela Padilla sa kanyang bagong show na Sa Puso ni Dok.

Nang bumisita siya sa DWLS show na Talk to Papa para i-promote ang medical drama series, ikinuwento niya ang pagkakaiba ng mga dati na niyang projects with her new program.

Aniya, “Yung huling show ko kasi parang big production yung Love and Lies parang ang daming barilan, daming blasting so ang daming tao lagi sa set.”

Dagdag ng Kapuso actress, may “indie” feel ang Sa Puso ni Dok at mas realistic daw ang mga linya nila ni Dennis Trillo.

“Parang ang feeling niya guerilla taping, parang gumagawa kami ng indie movie. Konti lang kami so honestly mas madaling gumalaw and siguro dahil puro indie ‘yung director, ‘yung writer namin mas realistic nang konti ‘yung mga line,” saad ni Bela.

Inihalintulad ng dalaga na “movie made for TV” ang kanilang project. Pagmamalaki pa ng Kapuso star, binuhusan ng panahon ang pag-e-edit ng bawat episode na inabot daw ng isang buwan.

“Pero ang astig nga kasi pagka-describe nila sa show namin, movie on TV. Kasi pati ‘yung style nga ng pag-shoot nagre-reverse shot kami. Parang hindi kami typical taping na one take [and then] next sequence na.”

“Actually,  mas movie siya kaysa documentary kasi ang tagal na naming tineyping ‘to so nagka-time sila para i-color grade, para pagandahin nang grabe. Na-edit siya ng isang buwan. Mayroon kaming audio engineer na talagang umayos for one month. Kasi pag taping, tineyping mo ngayon, bukas ini-edit ng GMA, ipapalabas sa Monday. Ganoon kabilis,” dagdag niya.