Rap Republic | GMANetwork.com - Radio - Articles

Kakaibang melody at astig na lyrics na sumasapol sa puso ng masa at kabataan. Ito ang rap music. At narito ang kanyang mga hari.   

Rap Republic

By AEDRIANNE ACAR 



Astig ang theme ng Mood Music natin this week, dahil ang featured songs ay mula sa mga hari pagdating sa rap music.

Panalo ang mga kanta na napili ni Mama Belle ng Barangay LS, lalo na at galing sa local at foreign artists who all made a name for their exceptional rapping talents.

Bagama’t wala na ang Master Rapper na si Francis Magalona, naging inspirasyon siya ng maraming rap artists tulad ni Gloc-9 (real name Aristotle Pollisco) na nakilala sa mga kantang tumalakay sa social issues tulad ng kahirapan at homosexuality.

Kay Gloc-9 ang isa sa ating songs na Simpleng Tao

Parang gayuma naman ang tindi ng suporta ng fans kay Amazing Abra o Raymond Abracosa sa tunay na buhay. Ang kanyang kanta na Gayuma ay Youtube hit with over 29 million views.

Hindi rin pahuhuli ang American rapper na tubong Kansas City, Missouri na si Eminem. Gumawa ng ingay sa mundo ng musika si Eminem for his 1999 hit album na The Slim Shady LP, which earned him awards in the Grammy’s and the MTV Video music awards.

Siguradong mapapatayo kayo at makikikanta sa 2000 single niya na naging worldwide hit.

Check out our entire Kings of Rap playlist this week:




Watch out for our Mood Music theme next week and listen to the other playlists of barangayls97.1 on Spotify.

Mga Kabarangay, peace!