'Biko si Papa Obet, Turon si Papa Kiko' - Mama Emma | GMANetwork.com - Radio - Articles

Bakit kakanin at saging ang tingin ni Mama Emma sa kanyang kapwa hosts?

"Biko si Papa Obet, Turon si Papa Kiko" - Mama Emma

By AEDRIANNE ACAR

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
“Honorary Papa” na si Mama Emma simula noong September 1.

Kasama na kasi siya nina Papa Obet at Papa Kiko sa Talk to Papa tuwing Lunes hanggang Biyernes from noon to 3 p.m., with replays from midnight to 3 a.m. daily.

Kumbaga raw sa merienda, parang haluhalo ang kanyang dalawang lalaking co-hosts.

Dagdag ni Mama Emma, “Kasi nandoon (ang) fun, music, entertainment -- ‘yun na lahat na masaya silang kasama.”

Inihalintulad ng former Talk Back host si Papa Obet sa favorite niyang kakanin na biko.

“Nakakabusog siyang kasama. Malagkit, kasi laging nakadikit. Charos!” aniyang natatawa. “Malambing si Papa Obet, although may pagkaseryoso type din to eh.”

Si Papa Kiko naman daw ay parang turon dahil may “masustansiya” na saging sa loob, dagdag ni Mama Emma.

“Si Papa Kiko kasi naka-heart-to-heart ko na ‘yan. So parang pag gusto mo na may pagka-serious type na konti na may patutunguhan ‘yung pag-uusapan (siya dapat ang kausap mo),” paliwanag niya.

Aminado ang hot DJ na kinakabahan pa rin daw siya bagama’t nakasama na niya before ang dalawang Papa ng DWLS 97.1.

Sa katunayan makulit daw ang programa nila nagpapatunay na maganda ang chemistry nilang tatlo.

Ang pinakanakakakabang moment daw ay noong first time siyang pinag-pilot ng dalawa.

“Wala lang, kinakantiyawan ako ng mga ‘to. Tinatawanan lang ako, so nakakakaba. Feeling first time.”