How to keep the fire burning (Tips for the Primetime King and Queen) | GMANetwork.com - Radio - Articles

Ayon sa isa sa relationship experts ng Barangay LS, kailangang handa sina Marian at Dingdong para manatiling mainit ang kanilang pagsasama.

How to keep the fire burning (Tips for the Primetime King and Queen)

By AEDRIANNE ACAR 

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Hindi madali ang buhay may-asawa. It takes two to tango.

Maituturing nga raw ito na isang work in progress dahil handa dapat ang dalawang indibidwal na sagupain ang mga pagsubok na maaari nilang kaharapin as husband and wife.

And ngayong busy sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa paghahanda sa kanilang dream wedding this December 30, nagbigay ng payo ang Potpot and Friends host na si Papa Jepoy kung paano nila mapapanatili ang sweet at mainit nilang pagsasama.

Ayon sa witty radio jock, importante raw na parang mag-boyfriend at girlfriend pa rin ang turingan nila sa isa’t isa kahit tumatanda na silang dalawa.

“Kasi ang ending lagi, nagkakasawaan. So sana huwag silang tumanda, I mean sa utak, kulitan pa rin kahit trenta na, kuwarenta na. ‘Yung parang isip-bata pa rin – ‘yung mang-aasar pa rin.”

Mahalaga rin daw na pag-usapan nila ang anumang gusot o problema at kailangan nilang tatagan ang mga puso nila to make their relationship work during trying times.

“’Yun ang sikreto eh, at saka ‘yung laging ayusin ‘yung bagay [mga problema]. Parang sa laruan. Pag nasira ‘yung laruan itatapon at bibili ng bago. Huwag ganoon. Ayusin mo ‘yung laruan.”