Usapang kasal at gastos Part 2 | GMANetwork.com - Radio - Articles

Kung susundin daw ang traditional set-up, nasa lalaki daw talaga ang responsibilidad na magbigay ng malaking parte sa kasal.

Usapang kasal at gastos Part 2

By AEDRIANNE ACAR
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Kinilig ang marami nang nag-propose na si Senator Francis Joseph Escudero kay pretty Kapuso actress Heart Evangelista last August 23.

Inulan ng pagbati ang power couple at marami ang na-excite sa details ng magiging kasal nilang dalawa. Bago ang lahat ng ito, nag-propose naman si Primetime King Dingdong Dantes kay Primetime Queen Marian Rivera.

Ang muling tanong: Paano ang hatian ng gastos?

Para sa DWLS hunk na si Papa Baldo, importante raw na mapag-usapan ng ikakasal kung sino sa kanila ang may malaking bahagi sa pagbabayad ng wedding.

Aniya, “Depende ‘yan sa relasyon, sa pagsasama nyo, sa pag-uusap nyo, sa kung gaano nila kakilala ‘yung isa’t isa…Depende sa pag-uusap as long as iisa naman ‘yung gusto nyong mangyari na maganda ‘yung wedding nyo at maging masaya and in the end it doesn’t matter kung sino ‘yung talagang magsho-shoulder ng malaking part.”

Pero kung susundin daw ang traditional set-up, nasa lalaki daw talaga ang responsibilidad na magbigay ng malaking parte sa kasal.

“Kung magiging classic ‘yung paniniwala natin, lalaki siyempre ‘yung papasan sa lahat para hindi nakakahiya sa side ng magulang at hindi nakakahiya sa tao.”

Para naman sa Barangay Love Stories host na si Papa Dudut, mahalaga na maiintidihan ng magkasintahan ang financial situation ng isa’t isa bago magpakasal.

Kailangan malinaw sa dalawa kung hanggang saan ang kaya nilang maibigay para sa wedding.

“Okay lang na share pero kung sino ang may kaya, siya. Halimbawa ‘yung lalaki nagtatrabaho, tapos kaya niya, eh di ‘yung lalaki. ‘Yung babae may trabaho, lalaki nganga, okay lang din ‘yung babae. Nasa pag-uusap ‘yan kasi pag nagsama na, pareho na kayong gagastos eh,” dagdag niya.