Ang pinaka-kabog na Mareshki songs | GMANetwork.com - Radio - Articles

Para sa mga sistah, brusko pink, o paminta - buo man o durog - iteching ang inyong nakaka-pringles na theme songs. 

Ang pinaka-kabog na Mareshki songs

By AEDRIANNE ACAR


 
Equality for all!

Ito ang sigaw ng mga syofatidz nina Carding at Mother Lexi ng Dading - na sana’y dumating ang araw na ang tulad nilang mga gay o transsexual ay buong-pusong matanggap ng lipunan.

Super Sireyna man na mala-diyosa o Suffer Sireyna na byuti – ang kalooban at hangarin - sila ay hindi lang pang-parlor.  

Sa katunayan, marami sa kanilang hanay ang gumagawa ng marka sa iba’t ibang larangan tulad ng fashion designer na si Inno Sotto at ng entrepreneur na si Joel Cruz na nagtayo ng perfume empire. 

Kaya’t para sa sisterakas at maderakahs, handog ng lovable Barangay LS radio jock na si Papa Carlo ang ating Sireyna Songs playlist para sa Mood Music this week.

Bagama’t wala sa Spotify, ni-recommend ni Papa Carlo ang kantang Sirena ni Gloc-9 para ilarawan ang karaniwang stigma na nararamdaman ng ating friendivas.


Sa ating Spotify playlist ng Sireyna anthems, kasama ang kinababaliwang si Abra - ang pinakamagaling na rapper ng henerasyon - at ang kanyang monster collaboration with Thyro and Jericho Aguilar na Gayuma.

Awitin din natin nang may ngiti ang infectious song ni jack of all trades Michael V na Hindi Ako Bakla.


Ang voice of the gay community na si Grammy winner Lady Gaga (real name Stefani Joanne Angelina Germanotta) at ang kanyang Born This Way ang magsasabi rin sa inyo na iwagayway with pride ang mga kapa at ipagmalaki ang pagiging dugong sangre.

Narito ang ating Sireyna Songs playlist care of Papa Carlo ng barangayls97.1.


Don’t be a drag, just be a queen! Echos!