Candid is the new sexy, says Papa Obet | GMANetwork.com - Radio - Articles

'Talk to Papa' host Papa Obet has a unique definition of sexiness and who are sexy.

Candid is the new sexy, says Papa Obet

By AEDRIANNE ACAR


 
Talk to Papa host Papa Obet has a unique definition of sexiness and who are sexy.

How unique? Read on.


What does SEXY mean for you?

Hindi raw liit ng baywang at lapad ng balakang ang pamantayan ni Papa Obet.

“Sexiness (is) how you carry yourself - kung paano ka makisalamuha sa ibang tao, kung paano mo i-respeto ‘yung ibang tao. Para ganoon ka rin irespeto. That’s the way people find you sexy.”

Dagdag pa niya, “Oo, sabihin na nga nating physical appearance pero tinitingnan ko rin talaga ‘yung attitude, lalong-lalo na sa mga babae. Kasi kapag sexy ang sinabi natin, ang iniisip natin babae agad. No!  Mapalalaki, mapababae puwede nating gamitin ‘yung term na sexy kasi mayroon ding sexy na boy, sexy na girl.  Para sa akin, attitude talaga.”


Top 3 qualities that you find SEXY in a girl?

Physical appearance

Attitude

Sense of humor
 

Top 3 personalities you find SEXY?

Taylor Swift



“Para sa akin Taylor Swift is very sexy, hindi lang the way she sing, the way she dances siguro dahil na rin sa pamilya niya. ‘Yung history ng pamilya niya na lumaki siya sa isang Christian na pamilya. ‘Yung belief niya for Christianity, dala-dala niya pag nagpe-perform. Isipin mo pag maglalabas siya ng song or music video, hindi siya ganoong ka-rude. Nandoon pa rin ‘yung pagpapahalaga bilang isang babae.”

Dingdong Dantes


“Kasi kung mapapansin natin si Dingdong Dantes, nagiging Ambassador [International Youth Ambassador for Peace]. Ibig sabihin, pinagkakatiwalaan siya ng bansa natin, ng maraming tao. Hindi lang siya sexy sa panlabas kundi sa ginagawa niya sa pakikitungo ng tao.”

Senator Miriam Defensor-Santiago

 



“Kasi gusto ko ‘yung personality niya. Prangka, tapos no dull moments. Wala siyang pakialam kahit sino ang masagasaan niya, basta alam niya ‘yung sinasabi niya totoo.”