Sino ang gusto mong maka-selfie? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Para sa mga taga-Barangay LS, ang selfie of all selfies ay kasama si...

Sino ang gusto mong maka-selfie?

By AEDRIANNE ACAR

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

 
Hinirang sa ginanap na Sawikaan 2014 ang salitang “selfie” bilang Word of The Year.

Tinalo nito ang 12 iba pang mga salita sa shortlist sa taong ito.

Bilang isa sa mga favorite past time ng mga Pinoy, hiningi namin ang opinyon ng ilang DWLS DJs kung sino-sino ang gusto nilang makasama para sa isang ultimate “selfie” experience.

Papa Dudut

“(Ang) Santo Papa. Kasi pupunta rito ang Pope, so minsan lang mangyari. Di ba ‘yung iba nga nagtitiis sa relic?”

Mama Belle

“Si Pope Francis. Wala lang, kasi gusto (kong) magkaroon ng picture na, alam mo ‘yun, pag-selfie kasi parang intimate kayo.”

 
Loading

View on Instagram


Ate Liza

“Marami akong naiisip na puwede kong maging ka-selfie. Pero siguro ng pipiliin ko ay ‘yung makakakuha ako ng maraming likes at re-tweets kapag na-selfie ko ‘yung taong iyon. ‘Yung choices ko: Ang Queen Elizabeth of England, (at) ang Pope. Kasi honor ‘yung pag nakasama mo ‘yung Pope. Hindi naman lahat ng tao nakakalapit sa Pope.”

“Pero ang nagwagi po sa akin ngayon ay One Direction [laughs]. Kasi di ba grabe ang sikat nila ngayon. So ‘yung mga bagets baliw na baliw sa kanila. Gusto ko silang tanungin: Bakit ba kayo sikat na sikat? Ano ba ang ginawa ninyo sa inyong imaging? ‘Yung pagpa-package niyo ng sarili ninyo, paano niyo nagagawa na mahatak ‘yung mga tao?”

 
Loading

View on Instagram