Dalawang programa ng dzBB, tumanggap ng parangal sa 36th Catholic Mass Media Awards | GMANetwork.com - Radio - Articles

Pinararangalan ng CMMA ang mga mamamahayag o programa na may mahalagang kontribusyon sa total human development ng mga tumangkilik sa kanila.

Dalawang programa ng dzBB, tumanggap ng parangal sa 36th Catholic Mass Media Awards


By JAMES "Tootie" ABAN


Tinanggap ng Imbestigador staff ang Best Public Service program award


Dalawang programa ng Super Radyo dzBB ang nanalo sa 36th Catholic Mass Media Awards o CMMA noong Oktubre 29.

Itinanghal na Best Public Service Program for Radio ang Imbestigador sa dzBB ni Mike Enriquez.

Ang Imbestigador sa dzBB ang takbuhan ng mga gustong humingi ng payong legal, gustong manawagan at ng mga tagabantay sa mga loko-loko sa lipunan.

Best News Commentary program naman ang Bangon na Bayan ni Joel Reyes Zobel.

Ayon kay Zobel, “Ang makapaghatid ng mga makabuluhang komentaryo ay karangalan nang maituturing. Ang bigyan ka pa ng pagkilala ay maituturing na bonus na mula sa Maykapal. Salamat, mga Kapuso, sa pagtitiwala.”T

Tinanggap ni dzBB news director Norilyn Temblor at ang award para kay Joel Reyes Zobel


Pinararangalan ng CMMA ang mga mamamahayag o programa na may mahalagang kontribusyon para sa total human development ng mga Pilipinong tumangkilik sa kanila.

Lubos na nagpapasalamat ang Super Radyo dzBB sa CMMA sa pagkilala nito sa himpilan. Gayundin sa sambayanang Pilipinong nakikinig sa Super Radyo.

Ayon kay Norilyn Temblor, dzBB News Director, “Ang mga ganitong karangalan ang higit na nagsisilbing inpirasyon upang higit pa naming mapagbuti ang pagbibigay ng serbisyong totoo.”