Traffic-busting tunes | GMANetwork.com - Radio - Articles

Para tumulong sa paglaban sa hassles ng daily commute, handog ni Papa Bodjie ang isang playlist that will turn your frown upside down.

Traffic-busting tunes

By AEDRIANNE ACAR


 
Hassle talaga ang traffic!

Umaga pa lang, nakakasira na ng porma.

Mas nakaka-stress pa kaysa trabaho.

Hindi kataka-taka na marami sa ating mga Kabarangay ang naka-earphones habang nasa loob ng jeep, bus, at MRT - nagpapalipas ng pagkabagot sa tulong ng musika.

At para tumulong sa paglaban sa hassles ng daily commute, handog ni Papa Bodjie ang isang playlist that will turn your frown upside down.

Perfect na pampa-good vibe for a morning commute ang song ng British boy group na One Direction na What Makes You Beautiful.


High energy ang happy-go-lucky pop song nina Niall Horan, Zayn Malik, Liam Payne, Harry Styles and Louis Tomlinson na mayroon ng mahigit 500 million views sa Youtube.

Stuck in traffic while on the bus?

Mainam na pantanggal ng pagkabagot if you sing a long with the electropop collaboration ng American band Maroon 5 at ‘Candyman’ singer Cristina Aguilera na Moves Like Jagger.

Unang salvo pa lang ng kanta ay catchy na at makatawag-pansin ang boses ng Maroon 5 frontman Adam Levine.

Must have din sa inyong playlist ang kanta ng Pinoy pride na si Peter Gene Hernandez a.k.a. Bruno Mars.

Bagama’t mas nakilala ang single niya na Just The Way You Are bilang wedding anthem, masarap ulit-ulitin sa biyahe ang kantang ito ni Bruno, dahil may soothing effect siya na perfect to calm your nerves kapag bumper to bumper ang traffic sa EDSA. Panalo rin ang MTV nito.

Kung mabagal pa rin ang mundo, maaliw sa Diwata ni Abra.


So calm down. Just let Papa Bodjie’s Commuter Music keep you company. You’ll get there.