Up and coming OPM singers, nagkaisa para sa Yolanda | GMANetwork.com - Radio - Articles

Bahagi ng proceeds na kikitain dito ay ido-donate para sa survivors ng bagyong Yolanda.

Up and coming OPM singers, nagkaisa para sa Yolanda

By MARAH RUIZ
 
Collaboration ang byword ngayon sa music industry, hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Ngayong Disyembre, isama sa inyong mga playlist ang Sa Pagsapit ng Pasko, isang orihinal na awitin na hatid ng ilang up and coming OPM singers sa bansa.

Kasalukuyan, mayroon na itong mahigit 11,000 views sa YouTube.

Dumaan ang ilan sa OPM artists na ito kanina sa Barangay LS 97.1 para makipagkulitan kay Mama Belle sa Sikat sa Barangay --  sina Laarni Lozada, Giu Comia, Sherwin Castro, Garth Garcia at ang boyband na Voice Male.

 

Sikat Sa Barangay w/ #SaPagsapitNgPasko artists & @mamabellels at Brgy LS FM 97.1 ????????

A photo posted by Giu Comia (@giucomia) on


Ikinuwento nila ang tungkol sa recording ng kanta at kung paano nito tinipon ang ilang mahuhusay na mang-aawit.

Inihahandog nila sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda ang Sa Pagsapit ng Pasko.

Sa katunayan, bahagi ng proceeds na kikitain dito ay ido-donate para sa survivors ng bagyo noong nakaraang taon.

Narito ang Sa Pagsapit ng Pasko: