Julie Anne San Jose, nakigulo sa 'Talk to Papa' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Ano ang masasabi ni Julie Anne tungkol sa chemistry nila ni Abra?

Julie Anne San Jose, nakigulo sa 'Talk to Papa'

By ANN CHARMAINE AQUINO
 
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Eksplosibo ang naging pagbisita ngayong hapon ni si Julie Anne San Jose sa Talk to Papa para sa kanyang nalalapit na ‘Hologram’ concert this December 13.

Dito nakisaya ang ilan sa kanyang fans on air and through her Twitter account.

Kuwento ni Julie Anne, "Masaya [‘yung pagbisita ko] kasi habang on air nagche-check ako ng Twitter feeds. Sobrang saya lang talaga kasi siyempre ‘yung DJs [Papa Kiko at Papa Obet] din natin sobrang cool nila and it's really really nice to be back here again."

Isa sa highlights ng kanyang pagbisita ay ang kanyang pa-sample para sa fans ng iba't ibang klase ng awitin tulad ng OPM at ilang international hit songs.

Saad niya, "[Memorable part of this guesting] 'yung mga may tumawag and may callers and kumanta ako for them, like nag-request ng songs."

Nabanggit din ni Julie Anne na isa sa makakasama niya for ‘Hologram’ ay si Abra.
Marami ang nakakapansin ng musical chemistry ng dalawa. Ano kaya ang masasabi ni Julie Anne tungkol dito?

Pahayag ni Julie Anne, "We see each other kasi occassionally and during work lang talaga pero si Abra kasi I can that he's really really dedicated sa trabaho niya."

Ibinahagi rin ni Julie ang kanyang paghanga kay Abra dahil sa kanyang husay pagdating sa musika at pagpe-perform.

Aniya, "He has a beautiful mind kasi lahat ng mga nasa utak niya nasasabi niya kahit sobrang bilis na hindi maintindihan, ibig sabihin ganoon kalawak ang pag-iisip niya and ‘yung stage presence niya sobrang galing."