Papal Visit coverage ng DzBB, handang-handa na | GMANetwork.com - Radio - Articles

“Mabuhay si Pope Francis!  Mabuhay ang mga Pilipino”

Papal Visit coverage ng DzBB, handang-handa na

By JAMES ‘TOOTIE” ABAN

By James ‘Tootie” Aban



Ilang araw bago ang pagbisita sa bansa ng Santo Papa ay nag-ocular inspection ang dzBB news team sa mga lugar na bibisitahin ni Pope Francis.
 
Sa pangunguna ni Radio Operations Consultant Mike Enriquez at News Director na si Norliyn Temblor ay tinungo ang mga lugar na magiging parte ng ating kasaysayan.
 
Layunin ng dzBB na makapag-bigay ng komprehensibong pagbabalita sa ngalan ng public service.
 
Ayon kay Enriquez…“Magkakaruon ng mega coverage ang super radyo dz-dobol b sa pagbisita ng Santo Papa”
 
“Ang occular inspection ay para masiguro na ang bawat detalye ng pabisita ni Pope Francis ay maibabalita ng dzBB sa buong mundo”
 
“Lahat ng kaliit-liitang detalye ay itinuturing namin na importante. Hindi lang ito malaking balita. Makasaysayang kaganapan ito para sa mga Pilipino at para sa mundo”
 
“Lahat ng pagod, puyat, peligro, tiyaga at paghihirap ay handa naming harapin para sa kumpleto at makatotohanang pagbabalita”
 
“Mabuhay si Pope Francis!  Mabuhay ang mga Pilipino”
 
Ang mega coverage ng Super radyo dzBB ay mapapakinggan sa buong mundo sa pamamagitan ng pinagsanib pwersa ng dzBB, Barangay LS 97.1, lahat ng RGMA Station sa bansa at GMA News.
 
Maaari niyo rin sundan ang live feed ng mega coverage ng dzBB sa twitter na @dzbb o pakinggan via streaming sa www.gmanetwork.com/radio/streaming.

Narito ang ilan sa mga highlights sa ginawang ocular inspection ng dzBB news team.


Mike Enriquez gives a short briefing before heading to the place where the activity of Pope scheduled.


Naabutan ng dzBB na nag-eensayo ang mga kabataan para sa isang pagtatanghal sa University of Santo Tomas. 


Nakatakdang magbibigay ng mensahe ang Santo Papa sa UST para sa mga kabataan.


Nakalagay na rin sa poste ang bandila ng Pilipinas at Vatican City sa palgid ng Malacañang.


Ang mga honor guard’s ay naabutan din ng dzBB news team na nag-eensayo na siyang sasalubong kay Santo Papa sa Malacañang.




Sa Manila Cathedral ay magmimisa ang Santo Papa kasama ang mga Obiso, Pari at ilang lider ng religious group sa bansa.






Ekslusibong ipinasilip naman sa dzBB ang floor plan ng Quirino Grandstand na kung saan magmimisa ang Santo Papa sa January 18.


Ang Apostolic Nunciature ang magsisilbing tirahaan ni Pope Francis habang nasa bansa.


Sa MOA Arena naman ay makikipagklita si Pope Francis sa mga napiling pamilya.


Sa Villamor Airbase lalapag ang eroplanong sasakyan ni Pope Francis.


Sa Tacloban, ang lugar kung saan magmimisa si Santo Papa malapit sa Tacloban Airport.


Puspusan na ang paghahanda ng Taclobanon sa pagbisita ng Santo Papa sa kanilang lugar.


Mula sa Tacloban, buong pwersang maghahatid ng balita ang dzBB news team sa pangunguna ng dzBB Senior reporter na sina Rod Vega, Carlo Mateo at Sam Nielsen.


Ang dzBB news team from L-R ( Mike Enriquez, Glen Alona, Norilyn Temblor, Benjie Alejandro, Rommel Seva, Gay Comia, James Aban and Vic Day.