Ladies Room ng dzBB, limang taon na! | GMANetwork.com - Radio - Articles

Ladies Room ng dzBB, limang taon na!

Ladies Room ng dzBB, limang taon na!

By JAMES "TOOTIE" ABAN



Limang taon na ang tambalan nina Norilyn Temblor (dzBB news Director/Anchor) at Tootie sa programang Ladies Room na dating programa nina Ilocos Sur Gov. Imee Marcos at Shalala.

Ang programang Ladies Room ay isang family oriented radio program na talaga namang swak na swak sa impormasyon at balita ang kanilang hatid tuwing Sabado ng umaga.

Mayroong mga segment ito tulad na lamang ng “Usapang Datung” na kung saan tinutulungan ang mga dzBB listeners sa pagnenegosyo, “Beauty Tips” na tungkol naman sa mga usaping pampaganda, “Tips ni Tootie” na isang nakakaaliw na advice segment sa pag-ibig o personal na problema, at ang “Isyu ng Bayan” na tinatalakay ang mga napapanahong usapin na nangyayari sa bansa at mga trending sa social network sites.

At para sa paggunita sa ika-limang anibersaryo ng Ladies Room ay mamimigay sila ng regalo sa kanilang mga listeners.

Ang mapipili ay maaaring makatanggap ng AM transistor unit mula sa www.chisms.net at kay Angela Sabina Ronquillo, Gift packs mula sa Flawless, Erase Solution, R2Buds Nail Spa & Massage at Aficionado Germany Perfume.

Sagutin lamang ang kanilang mga tanong na kanilang ibabahagi sa kanilang official facebook page na www.facebook.com/dzbb594 .

At nuong nakaraang Sabado lamang, March 14, 2015, muling nagbabalik si Shalala sa programa para personal na batiin ang mga Kapuso listener.

Dumating din sa programa si Radio Operations Consultant Mike Enriquez, Lou Gopez ng GMA Artist Center at ang Walang Siesta at Walang Tulugan Host John Fontanilla o mas kilala sa pangalang Jana Chu-chu.


Ladies Room with Week 1 Winners!


Ladies Room together with the listeners


Mike Enriquez congratulates the Ladies Room team for their 5th year anniversary.