Former ‘StarStruck’ contestant Edward Benosa living his dream | GMANetwork.com - Radio - Articles

Edward has found a new career in singing. 

Former ‘StarStruck’ contestant Edward Benosa living his dream

By AEDRIANNE ACAR
 
Hindi man pinalad ang newbie pop balladeer na si Edward Benosa ng sumali siya sa season V ng ‘StarStruck’ taong 2009, patuloy lang nagpursige ang Filipino-Spanish hunk para maabot ang kanyang pangarap.
 
Matapos sumali muli sa isang singing contest, napansin ang talent ni Edward at ngayon malapit na ilabas ang kanyang self-titled debut album na may carrie single na ‘Di Man Lang Nagpaalam.'
 
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa binata ng mag-guest ito sa ‘Sikat Sa Barangay’ nito lamang Lunes, March 16, naikuwento nito na recently lang daw niya na-realize na gusto niyang kumanta at una daw ay pagsasayaw ang gusto niyang gawin.
 

 
Ani ni Edward, “Lately na eh siguro mga high school ako nun. Kasi una kong gusto ko talaga mahilig ako sumayaw. Sumali pa ako ng mga cheering competition.”
“Pero mahilig ako mag-kanta-kanta. Sumali ako ng ‘StarStruck’ muna dahil gusto ko mag-artista tapos hindi ako nakuha.”
Ka-batch ni Edward sina Rocco Nacino, Sarah Lahbati, Steven Silva, at Enzo Pineda. Umabot daw siya sa Top 20 ng reality-based artista search competition.
 

 
Ayon sa mestizo hunk, maganda daw ang experience na nakuha niya sa pagsali sa iba’t-ibang reality tv talent show.
 
Aniya,“Siguro kasi sa umpisa talaga naman step by step yun noh kailangan mo matuto talaga. Sa umpisa hindi pa complete ‘yung confidence level mo. So doon ka natututo sa mga actual, sa mga live na ginagawa mo.”
 
Paborito daw ni Edward sa kanyang debut album ang dalawang kanta na kanyang sinulat.
 
“Favorite ko dito siyempre ‘yung dalawang kinompose kong song. Yung ‘Paglisan’ tsaka ‘yung ‘Why Didn’t You Stay’. Yun yung time na may mga heartaches ako.”