Maki-piyesta kina Kylie at James sa Pistahang Barangay sa Pasig City! | GMANetwork.com - Radio - Articles

Mapapanood rin ang bandang Hale, Ferolla, at si Blanktape. 

Maki-piyesta kina Kylie at James sa Pistahang Barangay sa Pasig City!

BY AEDRIANNE ACAR

 

Mga Kapuso natin sa Barangay Malinao, Pasig City abangan ang mga Kapuso singers na sina James Wright at Kylie Padilla dahil makikigulo sila sa ‘Pistahang Barangay: Jampak!’ sa April 26, (Sunday), 7:00 PM sa Brgy. Malinao Covered Court!
 
Makakasama din nila ang OPM band na Hale at Ferolla, pati na rin si Blanktape.
 
Tiyak na isang umaatikabong kantahan at sayawan ang naghihintay sa inyo mga Kabarangay sa Pasig.
 
Kaya sugod na this Sunday at samahan ang mga LSFM DJs na sina Mama Emma at Papa Marky.
 
Party na mga Kabarangay!