Thor, Mr. Perfectionist? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Bumisita ang reality TV contestant at voice coach na si Thor, ngayong Huwebes (June 25) sa ‘Sikat sa Barangay,’ As a voice trainor, ano kaya ang mga tips na ibinibigay nya sa mga aspiring singers at  bilang performer, sino kaya ang dream duet ni Coach Thor?

Thor, Mr. Perfectionist?

By AEDRIANNE ACAR

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Bumisita ang reality TV contestant at voice coach na si Thor, ngayong Huwebes (June 25) sa ‘Sikat sa Barangay,’ para i-promote ang kanyang concert titled “Soulful” sa Music Museum sa July 17.

Sa exclusive na panayam ng GMANetwork.com sa soul singer, naikuwento nito na bilang voice coach ay very meticulous daw siya sa trabaho lalo na sa tuwing mag-re-record ng kanta.

Pag-amin ng talented performer halos nagiging perfectionist siya para lang makuha ‘yung tamang nota na gusto niya.

Saad ni Thor, “Yes! Sa totoo lang especially sa recording kasi sa live minsan hindi mo naman mai-expect na talagang maging perfect. Hindi mo mako-control kasi minsan ‘yung sound system hindi okay or whatever or paos ka.”

“Sa recording kasi puwede mong maulit eh. Sa recording, very meticulous ako, as much as possible [gusto ko] perfect.”

Makakasama ni Thor sa concert niya sa susunod na buwan ang mga kapwa niya ring produkto ng mga reality TV shows na sina KZ Tandingan at Liezel Garcia.

Nabanggit din ng singer na maraming big names sa OPM industry ang gusto niyang makatrabaho someday sa isang concert o recording. At isa raw dito ay Asia's Songbird at Sarap Diva host na si Ms. Regine Velasquez-Alcasid.

“Si Regine Velasquez, grabe siguro 'yun, malaking dream ko 'yun na sana maka-duet ko si Regine sa concert or sa recording.”

Voice care tips from Coach Thor

Bago sumali si Thor sa reality TV singing competition ay kilala na siya sa industriya bilang voice coach.

Kaya tinanong namin ang batikang coach kung ano ang maibibigay niyang tips sa mga aspiring Kapuso singers diyan para maalagaan ang kanilang golden voice?

“Una, kailangan maging disiplinado. Iwas sa mga bawal, mga dairy products,”

“Tapos siyempre ensayo, magensayo ng magensayo, kasi itong Pilipinas na ‘to grabe ang daming talents, hindi puwedeng magrelax lang… Hanggang sa tumanda ka, kilangan magensayo ka.”

Panghuli, ipinaala ni Thor ang kahalagahan ng pagiging professional at pakikisama para raw tumagal ang isang singer sa industriya.

“Number three, siyempre makisama at maging professional. Kasi siyempre itong business na ‘to as much as possible, wala kang bin-iburn na bridges kasi maliit lang ‘yung mundo.”