Paano sumali sa RGMA Pera Sorpresa 4? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Mga Kapuso handa na ba kayo sa limpak-limpak na papremyo na naghihintay sa ika-apat na taon ng RGMA Pera Sorpresa promo?

Paano sumali sa RGMA Pera Sorpresa 4?

Mga Kapuso handa na ba kayo sa limpak-limpak na papremyo na naghihintay sa ika-apat na taon ng RGMA Pera Sorpresa promo?

Ang RGMA Pera Sorpresa 4 ay isang nationwide proof-of-purchase (POP) promo ng RGMA Network, Inc., kung saan maaaring manalo ng libu-libo at ng isang milyong piso sa grand daw sa pamamagitan lamang ng pagpapadala ng mga POP entries.

Simula July 6 hanggang September 23, anim (6) na masuwerteng Kapuso ang mag-uuwi ng tig-P1,500 kada-linggo, habang 30 bonus winners naman ang pwedeng mag-uwi ng P10,000 nationwide.

Samantala, sa Grand Draw na gananapin sa September 26, may pagkakataong magwagi ang lahat ng non-winning entries sa kabuuan ng promo period ng isang milyong piso. Magkakaroon din ng limang winners – isa mula sa South Luzon, North Luzon, Visayas, Mindanao at Mega Manila – ng tig P25,000.

Kaya mga Kabarangay alamin ang mechanics kung paano sumali sa higit na pinalaki at pinabongga na Pera Sorpresa 4!