AlDub fan sumulat ng kanta para sa kilig couple | GMANetwork.com - Radio - Articles

Pinamagatang "BaeYaya" ang orihinal na komposisyon ni Kulas Basilonia.

AlDub fan sumulat ng kanta para sa kilig couple

BY AEDRIANNE ACAR
 
Malaking bahagi ang musika sa love story nina Alden Richards at Yaya Dub sa Kalyeserye ng Eat Bulaga. At ngayon, isa sa kanilang mga tagahanga ang naisipang bumuo ng kanta na pinamagatang "BaeYaya."

Ang karaoke musician na si Kulas Basilonia ang sumulat ng kanta para sa nakakakilig na love team. Nakapanayam ng GMANetwork.com ang kompositor nang bumisita ito sa Barangay LS morning program ni Mama Belle na Sikat Sa Barangay.

Ayon kay Basilonia, hindi daw niya inaasahan ang mainit ng pagtanggap ng marami ang kanta na "BaeYaya." Mahigit 335,000 na ang nakapanood sa ginawang music video ng karaoke musician na si Kulas Basilonia simula nang mai-post ito sa Facebook. 

Naimbitahan na rin siya sa top-rating Kapuso morning show na Unang Hirit.
 

Certified #AlDub fan ka ba? Kung oo, dapat ay kabisado mo na ang kantang "Baeyaya," ang original song na ginawa ni...

Posted by GMA Public Affairs on Monday, August 17, 2015
Paliwanag ni Basilonia na "Lahat ng mga salita dun sa kantang 'BaeYaya [ay] nangyari dun sa Kalyeserye sa mga previous episodes, pati sa mga nangyari sa kanila sa outside world, especially nung nakita ni Yaya 'yung pangalang Alden sa labas, tapos 'yung nawawala-wala si Yaya Dub kapag nakatingin si Alden."

Isang certified AlDub fan, inalala ng binata ang unang beses na kinilig si Yaya Dub. "First day 'yan July 16; [natatandaan] ko 'yun kasi absent ako nun sa work [laughs], tapos napanood ko siya."

Dagdag pa niya na na totoo daw ang emosyon ni Yaya Dub "kasi [ganoon] ang reaction nung girlfriend ko nung first time ako nagtapat sa kanya."
 
Panghuli, nagpasalamat siya sa lahat ng netizens na nag-like at sumuporta sa "BaeYaya."

"Sobrang honored po, laking pasalamat ko po sa panginoon na ganito po 'yung pagtanggap ng netizens sa awit na ginawa ko po," saad niya.
 
Sneak a peek at the AlDub love notes.
Alamin kung bakit meant to be ang AlDub.