'Jampak' Thursday sa Pistahang Barangay | GMANetwork.com - Radio - Articles

Mga Kabarangay gusto niyo bang maki-party sa paborito ninyong GMA Records artists at Barangay LS DJs?

'Jampak' Thursday sa Pistahang Barangay

By AEDRIANNE ACAR

Mga Kabarangay gusto niyo bang maki-party sa paborito ninyong GMA Records artists at Barangay LS DJs?

Abangan ang Pistahang Barangay: Jampak sa M. Suarez Avenue, Barangay Palatiw, Pasig City ngayong Huwebes (August 27) dahil susugod ang mga sikat na mga OPM artists tulad nila Buena Familia star Kylie Padilla, Kapuso crooner James Wright at Jeff James.

Makikigulo din ang The Mike Bon Gang na kumanta ng theme song ng hit koreanovela na ‘Reply 1997’ na ‘Umaasa Pa Rin Ako’ at si Glen Mapue.

Hindi niyo din dapat palampasin ang bandang Chicosci, Sassy Girls at Not Informed na mag-pe-perform din sa Huwebes.

Makikigulo naman sina Radyo Nobela host Papa Dudut, Sikat Sa Barangay DJ Mama Belle at ang bagong Kabarangay din na si Papa Marky.

Kaya mark your calendar mga Kapuso at sumama sa isang araw na punung-puno ng saya at kantahan sa Pistahang Barangay ngayong August 27 na

Kita-kits mga Kabarangay!