Serbisyong Totoo Caravan ng dzBB, umarangkada na
August 28 2015
Muling nagkaroon ng Serbisyong Totoo Caravan ang Super Radyo dz Dobol B ngayong araw, August 28, 2015 sa Trade Hall Extn. Bldg. sa Robinsons Novaliches.Magtungo lamang sa naturang lugar kung kayo ay may katanungan sa inyong aplikasyon at pagiging miyembro ng Social Security System (SSS), PhilHealth, Government Service Insurance System (GSIS) at Pag-IBIG fund.
Maaari rin kayong humingi ng payong legal mula sa mga abugado ng Public Attorney’s Office o PAO.
Nasa event din ang mga kinatawan ng Philippine Statistic Authority na dating NSO para sa mga may katanungan sa birth at marriage certificate.
At kung may problema naman sa inyong mga ari-arian ay magiging kaagapay ninyo ang Land Registration Authority.
Ang registration ay mula alas-otso hanggang alas onse ng umaga at magdala lang ng dalawang valid ID.
Ang Serbisyong Totoo Caravan ay isang serbisyo publiko ng Super Radyo dz-dobol B at ng RGMA.
Kitakits mga Kapuso!
Comments
comments powered by Disqus