Meet Will Dasovich, a real man but knows how to speak Bekinese | GMANetwork.com - Radio - Articles

Will Dasovich shared his experience on how he learned to speak Filipino and a gay lingo called bekinese. Read more     

Meet Will Dasovich, a real man but knows how to speak Bekinese

By JAMES "TOOTIE" ABAN

Bumisita sa programang Ladies Room ng Super Radyo dzBB ang model  at Youtuber na si Will Dasovich nitong Sabado, August 28, 2015 bilang guest co-host ng naturang programa.
 
Si Will ay naging trending nitong mga nakalipas na araw dahil sa kanyang mga nakakaaliw na youtube videos tulad na lang ng ‘The Art of Tagalog” at ang “Pudra and Kyota, foreigners speak Beki” video .
 
Marami ang nagulat dahil hindi lang sa wikang filipino bihasa si Will kundi marunong din itong magsalita ng Bekinese o gay lingo.
 
Pilipina ang nanay ni Will at Amerikano naman ang kanyang tatay, ngunit ayon sa 24-year old na laking San Francisco, California na si Will, hindi siya marunong magsalita ng tagalog nang dumating siya dito sa Pilipinas.
 
Kaya naman bumili raw ito ng dictionary at libro at nag-aral ng wikang Filipino.
 
“Pagdating ko sa Pilipinas ay hindi talaga ako marunong magtagalog”
 
“Mga ginagamit kong salita (ngayon) ay hango sa aklat lahat, tinuruan ko sarili ko”

 “Noong pumunta ako sa Pilipinas bumili ako ng aklat, then binasa ko at kinabesado ang mga words kasi mag-isa lang ako…wala akong katulong o guro para tulungan ako”

“hindi madali ang mag-aral ng tagalog, for entire 8 to 12 hours a day, buong araw ay yan lang ang inatupag ko, kasi that’s the first thing on my list para maging mataguympay ako dito sa Pilipinas”

Sa katunayan, nagbabakasyon lamang daw si Will noon dito sa Pilipinas para malaman ang kultura ng mga Pilipino.

 “I was in the State na I don’t know much about the Filipino culture kaya nandito ako para matutong magsalita ng sarili nating wika”

“Hindi ako noon marunong magsalita ng tagalog, kasi yung nanay ko ay Kapampangan, then noong  19 or 20 siya ay nagpunta siya ng Denmark …so she knows six languages danish,  norwegian ,swedish, english at tagalog is her last language kasi yung pamilya ko they speak kapampangan and they don’t speak tagalog kaya nagnonose-bleed ako grabe”

“Yung mga videos ko sa Youtube,  I just want to document  and show yung buong karanasan ko dito sa Pilipinas na nakikilala ko ang ating sariling dugo”

Kung nahirapan daw si Will na mag-aral ng filipino ay mas madali naman sa kanya na magsalita ng gay lingo.

Ito ay dahil halos puro bakla raw ang kanyang nakakatrabaho sa industriya ng modelling.

“I was scouted for modelling, so tuloy-tuloy yun at sa ganitong industry maraming nagsasalita ng bekinese…hairstylist, make-up artist and directors… lahat sila nagsasalita ng bekinese”

“Dati kasi diko alam yung pagkakaiba ng pangkaraniwang tagalog at salitang bekinese kasi sa akin basta tagalog nadididnig ko, nawiwindang ako… naboborta ako kaya mga nakakarinig sa akin (ay) nagtataka kung ano pinagsasabi ko”

“Nahawa talaga ako sa kanila sa industriya”

Pero kahit marunong mag-bekinese si Will ay lalaking-lalaki raw ito.

Sobrang natutuwa at nagpapasalamat si Will sa mainit na pagtanggap at mga positibong komento sa kanyang mga youtube videos.

“OMG this is like the best time of my life”

“ I love these guesting , I had so much fun at GMA and gusto kong magtuloy-tuloy na ito”

Mapapanood si Will ngayong susunod na linggo sa ilang programa ng Kapuso network tulad ng Mars, I Juander, Brigada ng GMA News TV at Sarap Diva at Bubble Gang naman sa GMA-7.