OPM cutie Juan Karlos Labajo spotted in Barangay LS | GMANetwork.com - Radio - Articles

Certified hit online ang single ng young heartthrob na  'Para Sa ‘Yo.' May mahigit sa 400,000 views na ito sa YouTube. Ano pa ba ang dapat abangan kay Juan Karlos?

OPM cutie Juan Karlos Labajo spotted in Barangay LS

By AEDRIANNE ACAR


Isa sa pinakasikat na young talent sa bansa ngayon ang dating reality-TV talent search contestant na si Juan Karlos Labajo. This Tuesday (September 22) bumisita ang OPM heartthrob sa GMA Network para i-promote ang kanyang first album titled JK under MCA Music sa morning radio program ni Mama Belle na Sikat Sa Barangay.

MUST READ: Juan Karlos Labajo, certified AlDuBarkads?



Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Juan Karlos sinabi nito na nakapag-adjust na siya sa bagong buhay niya bilang isang public figure matapos sumali sa The Voice Kids.

Kuwento ng binata, “Opo nasanay na po. Kasi po, if [you] love what you’re doing parang ‘di niyo na po napapansin ‘yung pagod. Instead of parang napapagod po ako, nag-e-enjoy na lang po ako.”

Certified hit din online ang kanyang kanta na Para Sa ‘Yo na may mahigit sa 400,000 views na sa YouTube.

Aniya favorite song daw niya talaga ang kanyang carrier single, dahil ultimate hugot song daw ito.

“Nagustuhan ko po in the album ‘yung carrier single po na Para Sa ‘Yo, kasi talagang hashtag hugot po ‘yung song. ‘Yung lyrics po parang, 'wow.'”

“Maraming nakaka-relate for sure po. 'Yun di po ‘yung naging favorite ko po sa album in the all songs [included in the album].”

Nagbigay din ng advice ang talented kid performer sa lahat ng mga bata na gusto sundan ang kanyang yapak at mag-compete sa mga talent search competition sa TV.

“Conquer your nervous moments tapos isipin niyo 'kaya ko ‘to'.”