'Wanted Sweetheart' goes nationwide tonight! | GMANetwork.com - Radio - Articles

Kabarangay may magandang pagbabago na mangyayari sa patok na weeknight radio program ni Papa Dan na 'Wanted Sweetheart.'

'Wanted Sweetheart' goes nationwide tonight!

By AEDRIANNE ACAR

Kabarangay may magandang pagbabago na mangyayari sa patok na weeknight radio program ni Papa Dan na Wanted Sweetheart.

Starting this Monday mapapakinggan na ng mga Kapuso hindi lamang dito sa Metro Manila kundi pati sa mga probinsya sa Luzon, Visayas at Mindanao ang kilig-filled radio show.

Magkakaroon din ng chance ang mga Kapuso natin sa iba't-ibang panig ng bansa na maging lucky caller ng show at ma-feature sa Wanted Sweetheart at malay mo mahanap ninyo ang forever niyo sa tulong ni Papa Dan.

LOOK: Barangay Bae Papa Dan visits Cambodia 
IN PHOTOS: Papa Dan's food escapades 

Nag-post si Papa Dan sa Instagram kung anu-ano ang dapat abangan sa mas pinaganda niyang programa.

“bae, naniniwala ka ba sa LDR? ???? Kung ang isda nga at kawali nagtatagpo, kayo pa kaya? ???? hihi ••• Ang pang-malakasang ligawan sa radyo, NATIONWIDE na!?? Wanted LONG DISTANCE Sweetheart simula mamaya! ????????????”



Kaya tutok na mga Kabarangay sa Wanted Sweetheart mamaya 9:00 p.m.-12:00 midnight, Mondays-Fridays, dito lang sa pinakamamahal ninyong FM station, Barangay LS 97.1!