Kapamilya singer Jason Dy minsan ng nawalan ng pag-asa sa kanyang singing career | GMANetwork.com - Radio - Articles

Releases self-titled album with carrier single 'Milagro'

Kapamilya singer Jason Dy minsan ng nawalan ng pag-asa sa kanyang singing career

By AEDRIANNE ACAR

 
Umamin sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com ang Haranista na si Jason Dy na umabot daw siya point na tila nawawalan na siya ng pag-asa na magkakaroon pa siya ng break sa OPM industry.
 
READ: Sikat sa Barangay: Juan-derful Karlos Labajo
 
READ: Mighty Thor drops by ‘Sikat Sa Barangay’
 
Sa kanyang radio tour sa 'Sikat sa Barangay' with Mama Belle kaninang umaga, sinabi nito na matindi ang kumpetisyon sa Pilipinas at hindi daw niya alam dati kung may chance siya maging isang solo performer.
 
Kuwento ni Jason, “Lalo na dito sa Pilipinas na ang dami-daming magagaling na singers, mahirap talagang magkaroon ng break, mabigyan ng opportunity to make it.”
 
“Tapos lalo na ngayon, ang daming singing contest, maraming sumasali, bilang isang singer na tinary ko na lahat, I mean marami na akong sinalihan. Akala ko wala ng mangyayari, wala ng patutunguhan ‘yung career ko,”  ani ni Jason.
 
Pero dumating din ang hinihintay niyang big break matapos manalo sa isang singing contest at na-realize din daw niya na ang lahat ay may “tamang panahon.”
 
“Narealize ko naman na pana-panahon din talaga, na pinaantay muna ako ni Lord na, sige sila muna tapos saka na binigay sa akin ‘yung chance.”
 
Perfectionist
 
Patok ang mga kanta ni Jason lalo na ang kanyang kanta na ‘Milagro’ sa kanyang self-titled album under MCA Music.
 
Hindi na nakapagtataka na sumikat ang mga kanta ng OPM cutie dahil na din sa pagiging perfectionist daw niya.
 
Gustong-gusto daw ng Kapamilya singer na maibigay ang 100 percent sa lahat ng ginagawa niya lalo na sa pag-re-record ng kanta.
 
“Sobra! Hindi ako naha-happy kahit nga natapos ko na tapos pinakinggan ko uli parang I should have done it like this, I should have done it like that. Pero ganun siguro ‘yung wiring ko.”
 
“Gusto ko kasi pag nag-ri-release ako ng product, quality. Gusto ko ‘yung kung ano ‘yung potensyal na puwede kong ibigay, kasi deserve ng tagapakinig yun na marinig nila kung ano ‘yung kaya kong ibigay, hindi ‘yung parang basta lang.”