Dabarkads Jose and Wally, set to invade Mandaluyong City in 'Pistahang Barangay' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Mga Kapuso, punta na this Sunday, October 11 sa  Barangay Highway Hills, Mandaluyong City. 

Dabarkads Jose and Wally, set to invade Mandaluyong City in 'Pistahang Barangay'

By AEDRIANNE ACAR



Mga Kabarangay sa Mandaluyong, punta na this Sunday, October 11 sa Highway Hills Integrated School sa Barangay Highway Hills dahil susugod ang mga sikat na DJs ng Barangay LS 97.1 sa inyong lugar para sa Pistahang Barangay.

Punong-puno ng sorpresa ang naghihintay sa inyo mga Kapuso na inihanda ng mga paborito niyong disk jocks na sina Mama Cy, Papa Kiko at Mama Emma.

Idagdag niyo pa ang kuwelang duo nila Jose Manalo at Wally Bayola ng hit kalye-serye ng Eat Bulaga na makikisaya diyan sa Barangay Highway Hills.

Makiki-jam din sa atin ang bandang Callalily, Banda ni Kleggy, Gracenote at pati ang girl group na Sassy Girls!

Kaya mga Kabarangay sa Mandaluyong, samahan niyo kami sa Pistahang Barangay this October 11 dahil sagot namin ang tawanan at musika na regalo namin sa inyo for making us the number one FM station ng bansa.

Kita-kits mga Kapuso!