Nationwide invasion of 'Barangay Love Stories' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Simula October 11, mapapakinggan na ang 'Barangay Love Stories' sa buong Pilipinas!

Nationwide invasion of 'Barangay Love Stories'

By AEDRIANNE ACAR
 
Mga Kapuso, magsisimula sa darating na October 11 ang mas kapana-panabik na pagbabago sa Barangay Love Stories dahil mapapakinggan na ang hit weekly radio program sa bawat sulok ng bansa. 
 
READ: Book author na si Papa Dudut!
 
READ: The best thing about being a DJ
 
Oo! Buong bansa na ang sama-sama na makikinig sa mga nakakakilig, nakakatawa o kaya minsan ay nakakaiyak na mga kuwento na tampok sa Barangay Love Stories tuwing Sunday.
 
Bukod pa riyan ang mga Kabarangay natin sa Cebu at Tuguegarao ay mapapakinggan ang mga kuwento ni Papa Dudut sa Barangay Love Stories sa sarili nilang diyalekto. Bongga 'di ba!
 
Nag-post ng video invite si Papa Dudut sa Facebook para anyayahan kayo mga Kabarangay na tumutok linggo-linggo sa Barangay Love Stories
 
 

Check this out mga kapuso #BarangayLoveStories #Nationwide #Worldwide

Posted by PAPA DUDUT on Wednesday, October 7, 2015
 
Kaya samahan po natin si Papa Dudut tuwing Linggo ng hapon, 12 pm to 3 pm, dito lang sa nag-iisa at love n'yong FM station, Barangay LS 97.1, tugstugan na!