Papa Carlo recalls most memorable moments in 'Bida Sa Barangay' | GMANetwork.com - Radio - Articles

"Pasayahin 'yung mga taong nalulungkot," ito raw ang role ni Papa Carlo sa kanyang programang 'Bida sa Barangay.'

Papa Carlo recalls most memorable moments in 'Bida Sa Barangay'

By AEDRIANNE ACAR

Excited na ang resident funny man at host ng Bida Sa Barangay na si Papa Carlo sa malaking pagbabago na magaganap ngayong buwan dahil mapapakinggan na ang kanyang radio program nationwide.

Pilipinas, handa na ba kayong bumida kasama si Papa Carlo?
READ: Papa Carlo, pangarap maging boxer 
READ: Papa Carlo featured in The Big Ten




Pakiramdam daw nga niya parang isang homecoming ang magaganap dahil makakapiling na niya ang mga Kabarangay sa Visayas at Mindanao.

Saad ni Papa Carlo, “Super excited kasi I’m from Mindanao talaga. I’m from Davao so namiss ko na din ‘yung kababayan ko sa Davao at ngayon muli nilang makakapiling ako sa radyo. Maririnig nila ako uli and I’m sure na talagang excited na rin sila na marinig ako and of course sa Visayas naman din kilala din ako dun kasi naging DJ din po ako sa Visayas at ganun din ‘yung mga taga Cebu yan.”

Buong puso din daw niya tinatanggap ang kanyang role bilang tagapaghatid ng saya at good vibes sa mga Kapuso listeners natin na dumadaan sa matinding lungkot.

Nagkuwento nga ang Bida Sa Barangay host ng kanyang most memorable callers.

“May mga caller talaga na alam mo ‘yun tumatawag sila dahil malungkot sila ngayon eh sa hindi naman sinasadya ‘yun talaga ang role ko pala na talagang pasayahin ‘yung mga taong nalulungkot. 'Yun ‘yung may mga caller talaga naalala ko, lungkot na lungkot sila nung tumawag sila eh nagiging masaya na sila.”