'Potpot and Friends' host Papa Jepoy misses good friend and former co-host Papa Bodjie | GMANetwork.com - Radio - Articles

Kinailangan iwanan ni DJ Bodjie ang trabaho niya sa Barangay LS ng mag-migrate siya kasama ang family niya sa U.S.. 

'Potpot and Friends' host Papa Jepoy misses good friend and former co-host Papa Bodjie

By AEDRIANNE ACAR  

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
       
Isa sa maituturing na matalik na kaibigan ng 'Potpot and Friends' DJ na si Papa Jepoy ang dating Barangay LS disk jock natin na si Papa Bodjie.
 
Limang taon nakasama ni Jepoy si Papa Bodjie sa weekday program nila. Kinailangan iwanan ni DJ Bodjie ang trabaho niya sa Barangay LS ng mag migrate siya kasama ang family niya sa U.S.. 
 
 
 
Kulitan with Papa Bodjie sa GMA Network.com Live Chat!

Papa Jepoy and Papa Buboy throwback photos in the GMA Network.com Live Chat!

Sa exclusive interview ng GMA Network.com kay Papa Jepoy, naikuwento nito na matagal daw pinagisipan ng kaibigan ang pag-alis ng bansa.
 
Kuwento ng disk jock, "Noong una matagal na niyang plano 'yun na sabi niya darating 'yung panahon kung may pagkakataon aalis talaga siya. Sinabi niya 'yun. Pero kung wala dito muna siya."
 
"'Eh dumating 'yung time na aalis na, may pambili ng ticket, may visa na, kumpleto na lahat. So, sinabi niya na aalis na talaga ako, 'eto na yun. Sabi ko 'Oh di sige sabi ko, kaso wala ng solian yan. 'Yun ang sinabi ko sa kanya, kapag umalis ka na diyan wala ka ng babalikan dito, pero walang pigilan."
 
Umamin si Jepoy na isa sa pinaka-miss niyang bonding with Papa Bodjie ay ang pagkain, lalo na magaling magluto ito.
 
"Pagkain! Kasi mahilig magluto 'yun. Oh kaya pag walang pagkain bibili."
 
Pumalit bilang co-host niya sa 'Potpot and Friends' ang actor/host na si Papa Buboy.
 
Ano naman ang masasabi niya sa pinakabago niyang partner sa umaga na si DJ Buboy?
 
"Makulit! Makulit si Bodjie, pero itong si [Buboy] talagang parang kang may alagain [laughs]."
 
Huwag na kayong maglipat ng FM station sa umaga mga Kapuso at tumutok na sa pinagandang  'Potpot and Friends.' 6 A.M. to 9 A.M., Lunes hanggang Biyernes.
 
Samahan ninyo sina Papa Jepoy at Papa Buboy lalo na ngayong nationwide na mapapakinggan ang morning program. Bukod pa diyan, makakakulitan nila DJ Jepoy ang ibang mga disk jock sa iba't-ibang probinsya sa Luzon, Visayas. at Mindanao.
 
Kaya make it your daily habit na makinig sa 'Potpot and Friends' para sa isang nakaka-good vibes na umaga!