JBK members, sulit ang paghihirap para sa self-titled album | GMANetwork.com - Radio - Articles

Kilalanin ang OPM boy band na JBK na binubuo nina Joshua Bulot, Bryan del Rosario at Kim Ordonio.

JBK members, sulit ang paghihirap para sa self-titled album

By AEDRIANNE ACAR
 
Sobra ang tuwa ng OPM boy band na JBK na binubuo nina Joshua Bulot, Bryan del Rosario at Kim Ordonio nang ma-i-release ang kanilang self-titled album.
 
EXCLUSIVE: Former Mr. Pastillas candidate Bryan del Rosario, may mensahe sa AlDub 
 
LOOK: Meet Former Mr. Pastillas Bryan and his JBK boy band
 
READ: Can Alden Richards beat Brandon Beal's record in The Big Ten? 
 
Ang kanilang debut album ay may five tracks at ilan sa mga kanta rito ang 'Anong Meron Ka' at 'Letting You Go.'

Sa panayam kay Bryan na nakilala bilang Mr. Pastillas candidate, matagal na raw nilang hinintay ang opportunity na ito. Aniya, “Sobrang tagal na nitong album na ‘to nakapag-release na kami ng dalawang singles. Actually, suking-suki na rin kami dito kay Mama Belle [laughs] sa pag-po-promote ng album na 'yan.”
 
Ayon naman kay Joshua Bulot ay sulit naman din daw ang paghihintay nila sa "tamang panahon" para maipakita sa mga Kapuso listeners ang produkto ng kanilang pagtitiyaga.

“Alam ko medyo natagalan pero naisip na lang namin na may time dun. So ngayon tuwang-tuwa kami. [Dahil] ‘yung hinintay namin [ay] nangyari na.”
 
Para naman sa Chinito cutie na si Kim, may dalawa raw siyang paboritong kanta sa kanilang album na dapat mapakinggan ng mga OPM fans.
 
“Kung papipiliin ako kasi may dalawa rin akong favorite diyan- Anong Meron Ka and Letting You Go. Siguro [nagustuhan ko siya] dahil GV and ‘yung Anong Meron Ka kasi ‘yun ‘yung first talaga na nilabas namin,” ani Kim.
 
Aminado rin ang JBK na mahirap mag-release ng album sa panahong ito dahil napaka-intense ng competition sa music industry. Paliwanag ni Bryan, “Sobrang mahirap kasi hating-hati na talaga ‘yung influence ng music sa Pilipinas."
 
“So ang ginagawa na lang namin produce lang ng produce para alam mo ‘yun magka-jackpot,” pagtatapos ni Joshua.