'Talk to Santa' at 'Talk to PapaSko' na mga Kabarangay! | GMANetwork.com - Radio - Articles

Samahan niyo sina Papa Obet, Mama Emma, at Papa Kiko para sa isang araw na puno ng sorpresa at kasiyahan.

'Talk to Santa' at 'Talk to PapaSko' na mga Kabarangay!

By AEDRIANNE ACAR

Mga Kabarangay ramdam na talaga ang diwa ng Pasko lalo na sa number one afternoon radio program nila Papa Kiko, Papa Obet, at Mama Emma na 'Talk To Papa,' lalo na sa patok nilang segment na 'Talk To Santa.'

Handog nila ang 'Talk To Santa' sa mga loyal listeners nila upang makapaghatid ng saya ngayong kapaskuhan.

Ayon kay Mama Emma, September pa lang marami na silang sorpresa para sa mga Kabarangay na tumututok sa kanila. Mas higit na pinalaki ngayon ang 'Talk To Santa' na nasa ikalawang taon na nilang ginagawa.

"Sinasakto natin September pa lang, pag pasok ng ber month, nagkakaroon ng ganito para maparamdam natin na Christmas na."

"Hindi rin namin expected na magiging successful 'yung last year, until nitong year mas blessed ngayong year, kasi nadagdagan 'yung nagbibigay [at] nagiging Santa natin."

Dagdag pa ni DJ Emma, napakalaki daw ng pasasalamat nila sa mga Kapuso celebrities tulad ng mga cast ng 'Little Nanay' na nagbibigay regalo sa 'Talk To Santa' segment.

"Pag may mga guest tayo na Kapuso stars natin like sa 'Little Nanay' na si Kris Bernal, Renz Fernandez, at Mark Herras sila 'yung ilan sa mga artists natin na nagbigay  and nakakatuwa, nagugulat sila na mayrun palang ganun."

Everyone can be a Santa

Mga Kapuso iniimbitahan din kayo ng mga paborito niyong 'Talk To Papa' disk jocks para sa 'Talk To PapaSko' event nila sa darating na December 11 sa Fisher Mall.

Samahan niyo sina Papa Obet, Mama Emma, at Papa Kiko para sa isang araw na puno ng sorpresa at kasiyahan.

Ito na ang the best Christmas party Kabarangay kaya punta na kayo sa 'Talk To PapaSko!'
 

 

Magkita-kita po tayo sa December 11, 2015, Biyernes sa Playland, Fishermall, Quezon Ave., Q.C. para sa Talk To PapaSko,...

Posted by Talk to Papa Manila on Thursday, November 19, 2015