Maricris Garcia at James Wright susugod sa Caloocan para sa Pistahang Barangay! | GMANetwork.com - Radio - Articles

Mga kabarangay sa Caloocan, humanda na kayo dahil ang pinakahihintay niyong musical event ay mangyayari sa darating na February 12.

Maricris Garcia at James Wright susugod sa Caloocan para sa Pistahang Barangay!

By AEDRIANNE ACAR


Mga kabarangay sa Caloocan, humanda na kayo dahil ang pinakahihintay niyong musical event ay mangyayari sa darating na February 12.

READ: Dabarkads Jose Manalo at Wally Bayola nakisaya sa Pistahang Barangay sa Mandaluyong 

READ: Maricris Garcia engaged na sa kanyang non-showbiz boyfriend 

Sugod na sa Libis covered court sa Barangay 175, Caloocan City para sa Pistahang Barangay.

Makakasama niyo dito ang mga sikat na Kapuso singers tulad nila Maricris Garcia at James Wright, pati din ang mga paborito niyong disk jocks na sina Mama Cy, Papa Dudut at Papa Jepoy.

Mapupuno din ito ng kasiyahan dahil makikigulo din sina Patricia Javier, Siakol at ang boy group na 1:43.

Kaya ano pa ang hinihintay niyo mga Kapuso, punta na sa Pistahang Barangay sa Caloocan sa darating na February 12.

Kita-kits mga Kabarangay!